Chapter 12

630 45 24
                                    

"Anak, sure ka bang okay ka lang? You can stay here in our house as long as you want," Mom said with full of concern.

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa ni Daddy. Mga isang linggo rin akong nag-stay dito sa bahay namin at 'di lumalabas. Naka-usap ko na si Ven at pinayagan niya akong mag-isip-isip muna.

Nasabi ko na rin kay Mommy ang concern ko about sa pagpapakasal kay Ven—the wedding jitters thingy.

Hindi ko alam kung may mabuti ngang naidulot sa akin ang pagii-stay dito. Pero siguro naman ay meron. Sana nga ay mabuti ang napag-desisyunan ko.

"Mom, Dad, I'm fine. I'm just exhausted, kaya ako umuwi. You know, tumakas lang ako saglit sa katotohanan—nag-isip," sabi ko sa kanila.

Nakita ko si Mommy na alangan ring ngumiti. Seryoso naman ang ekspresyon ng ama ko. I was so sure there's something running in his head. But I didn't bother to ask.

"Malaki na talaga ang baby angel namin," wika na naman ni Mommy saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

Having them was one of the best things in my life. Sila talaga ang hingahan ko simula pa noon.

Napag-hiwalay kami ni Mommy ng ingay ng busina na nag-mumula sa isang taxi.

I smiled again at them. Mukhang matagal-tagal na naman bago ko sila mapag-tuonan ng oras kaya nilulubos-lubos ko na.

"So... aalis na po ako. Dadalaw na lang ulit ako 'pag may vacant time or kahit sa Haven's. Bye!"

Ayaw ko silang mag-alala kaya magiliw akong nag-paalam bago pumasok sa taxi.

Kumaway ako sa kanila at nag-flying kiss.

Itinuro ko naman ang direksyon pauwi sa bahay ko sa driver at ilang minuto nga lang ay nakauwi na ako.

Pagka-baba ko sa harap ng gate ko, I was disappointed.

I was actually expecting Ven waiting for me in my porch. Hindi niya ako sinundan sa bahay, yes, naiintindihan ko kung bakit. Ginusto ko rin naman 'yon. But I was just expecting him to be... Ugh!

Ano ba 'tong iniisip ko? Too much for being a hopeless romantic.

Tama bang isipin kong gano'n? Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo. Why would I think of that?

I entered inside my house. Diri-diretso ang lakad ko hanggang makarating sa kwarto ko.

Mabilis kong ibinagsak ang sarili sa kama. I sighed deeply with my eyes tightly closed.

Ano ba ang dapat kong unahing pag-tuonan— ang tungkol sa kawalang-kwentahan kong fiancée o si Hell?

Of course, it has to be my fiancé, right?

Tumayo ako at humarap sa salamin. Napahilamos ako ng mukha. Bakit ba kailangan maging ganito ka-kumplikado?

"Oo na! Tanga na 'ko! Torpe na 'ko! 'Wag ka mag-alala, 'di ko kayo sinisisi ni Herald. Desisyon ko 'yon. At kung bakit ako nandito at nag-lalasing ay dahil nag-iba ako ng 'style'. Hindi ako naging torpe at sinabi ko sa kaniya. Kaya lang... wala pa rin."

No. Nananaginip lang ako... ulit. That's not true. That couldn't be...

Isa lang ang dapat kong gawin. I need to talk to Ven. After all, he's still my fiancé.

Nag-ayos ako saglit bago lumabas sa bahay ko. As I told you so, magka-lapit lang ang bahay namin ni Heaven.

Nag-lakad na lang ako hanggang makarating doon.

Bukas ang gate kaya pumasok agad ako sa bakuran niya at ginamitan ko naman ng susi ko ang pinto sa bahay dahil naka-sara ito. But I was sure he's here, dahil nakabukas ang mga ilaw na nagre-reflect sa bintana.

Nagdiri-diretso ako hanggang makarating sa kwarto niya. The door was locked, too.

I knocked but no one's answering.

Bumaba ako sa backyard niya at nakita ko siyang nakatilod habang nasa taenga ang cellphone. Mukhang may kino-contact siya.

Marahan akong lumapit sa naka-pamewang na si Heaven.

Kinilig ako, thinking that he was trying to contact me.

Pero papalapit na ako ng papalapit sa kinaroroonan niya, hindi pa rin tumutunog ang phone ko. So, that means... hindi ako ang tinatawagan niya.

At tama nga akong hindi ako dahil naririnig ko ang boses niya. May kausap siya sa kabilang linya.

I was disappointed again.

Ako lang naman ang gumagawa ng ikinaka-disappoint ko, e.

I was thinking again that he's trying to reach for me.

Why was I being selfish? Iniisip ko ba na sa akin lang talaga umiikot ang mundo ni Ven?

At sa simpleng tawag, nagkaka-ganito ako? Hindi. I have deeper reasons but I hate to think about it.

Ngumiti ako ng mapait. I was feeling worthless and stupid. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon.

Isang hakbang pa ay nahimigan ko na ang galit na boses ni Ven.

Is it because of me this time?

Inaasahan ko na naman na tungkol sa akin ang bawat galaw niya. What the heck, Demi!

"Yes, he's my brother! Now, what? Wala akong kasalanan kung ano man ang nangyari sa kaniya. It's his choice."

Napatigil ako sa likod niya.

Brother?

"I know. Tanggap kita. Tanggap ko kayo. Ano man ang kasalanan ni Mommy, tanggap ko. And I'm sorry for you, two. Sa ginawang pag-tago sa inyo ni Lola Mary."

Ano'ng kailangang tanggapin? Anong pag-tago? Bakit nasangkot si Lola Mary?

Unti-unti na namang kumunot ang noo ko.

Here I am again, evesdropping. Alam ko namang walang magandang naidudulot 'to sa akin. Palagi. Pero I couldn't stop. I won't stop.

Kasi, minsan, ang katotohanan ay nabubunyag sa ganitong paraan. Alam kong hindi rin ako matatahimik kung 'di ko malalaman ang sinasabi ni Ven. Kahit masakit minsan at nakakapang-gulo ng utak tulad ng kagabi. After all, like what I'd said, he's my fiancé. May karapatan naman siguro ako.

Pero, ba't kinakabahan na naman ako?

"Herald, ako na'ng bahala. Ako ang kakausap kay Hell. We have issues, yes. But, bro, hindi ako mahilig mag-tanim ng sama ng loob. I'll talk to him when he calm down. Ayoko namang pag-alalahin sila Mommy sa US dahil nakasapakan ko ang isang anak niya. You don't need to be sorry."

A-ano? H-herald and... Hell.

"Okay, okay. Again, Mom had sinned once. Pero napatawad siya ni Dad. Ako pa kayang anak niya lang? I just think it's cool to have you two as my brothers. Kahit iba pa ang ama niyo."

I froze. Once again, my eavesdropping left me no good.

They're what?!

Sorry, na-late ng isang araw ang UD. Next update: June 10 (Wednesday). Sana 'wag kayong bumitaw sa labstowee ni Demi, Ven, Hell, Santina. *virtual flying kiss* Hi MissAIRA_710, new reader, ayt?

-OhMyGelou

The Devil's Guardian AngelWhere stories live. Discover now