Chapter 20

6K 122 0
                                    

"Together"

Zein's Point of View

My jaw literally dropped when I heard that. Tumingin ako sa mata ni Madame Violet na nakangiti pa sa mga estudyante. She must be crazy! Bloody hell week? That's insane! It is too much!

Tumingin ako kay Supremo na hindi man lang nabigla at parang inaasahan na nya talaga ito. Hindi rin ako nakarinig ng pagtutol mula sa mga estudyante na animo'y kagat-kagat nila ang kanilang dila at nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari.

"Do you have a problem with that, Miss Shion?"Tanong ni Francisco.

"What? Should I be surprised? What do I expect from insane leaders?" Hindi ko talaga mapigilan ang aking bibig. Honestly, I was really shocked, pero kung ipapakita ko ang takot ay mas matutuwa sila, nah.

"Stop it, Miss Shion. You must not talk that way to them, they are still higher than us."

I rolled my eyes. "Yeah, right Supremo. Excuse me." Nagwalk out na ako dahil narinig ko na rin naman ang walang kwentang announcement nila.

Sino ba kasing matinong pinuno ang magpapatupad ng ganon? Isang linggong legal ang pagpatay, kahit umaga! UGH! They are really making fun of us. Parang pinaglalaruan na lang nila kami.

Walang tao sa hallway, tanging pag-ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Ang tahimik ng paligid. Mas magiging tahimik ang paaralan na ito sa lunes, ano kayang mangyayari? Parating na ang delubyo na sinasabi nila. Ano kaya ang pinaplano nila?

Pagkapasok ko sa loob ng dorm naming ay gising na si Vanessa na pinapainom na ni Jerome ng tubig. "Kamusta na pakiramdam mo?" Bungad na tanong ko bago umupo sa tabi ni Matt.

"Okay na. Anong nangyari? Bakit andito ako?" Sunod-sunod na tanong nito.

Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. Kumunot ang noo nya sa akin at nagtaas pa ng kilay. "Anong nginingitingiti mo?" Tanong nya na ikinalingon nilang lahat sa akin.

"You're scaring us, Zein." Sambit ni Dave na ikinatawa ko.

Umiling na lang ako. "I was just amazed to you, Van." Panimula ko. "Hindi ka natakot magsalita, sumalungat sa kanila. You are one  of a hell brave to contradict them." Halata sa tono ng pananalita ang pagkamangha ko kay Vanessa.

I actually didn't expect that one of my friends would do such thing.

"Eh? Ang oa nito." Aniya na namumula pa ang pisngi. Sus! Nahiya pa ang bruha.

"I must agree! Mas lalo tuloy akong nainlove..."Biro ni Jerome kaya binatukan sya ni Vanessa na sobrang pula na ng pisngi.

"You must be awarded." Gatong ni Mia na natatawa.

"Tumigil nga kayo!" aniya sabay isinubsob ang mukha sa throw pillow na kinuha nya sa gilid nya. Natawa na lang kami sa inasta nya.

"But let's not also forget the secretary.." Ani Matt na nakangisi sa akin.

Ngumisi silang lahat sa akin kaya ako na naman ngayon ang nakaramdan ng awkwardness. Umangat ang ulo ni Vanessa na nakakunot ang kilay, oo nga pala. Nawalan sya ng malay kaya hindi na nya alam ang mga nangyari kanina.

"Alam kong kamanghamangha na si Zein, pero ano ang ginawa nya kanina? Sya ba ang dahilan kaya hindi ako nahatulan ng kamatayan?"

"Yes, Zein, saved you from death and awaken us to that rule." Sagot ni Matt na halatang proud na proud.

Hell UniversityWhere stories live. Discover now