Lina's POV
Noong bata pa ko, di ko maintindihan ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ko lang nakikita ang papa. Di ko din alam noon kung bakit hindi siya umuuwi sa bahay. At, tuwing bibisita man siya, dadalhin niya ko sa Manila, na hindi kasama si mama.
Ganoon ang naging set up namin noon pa. I was so naive. Pero patagal ng patagal, patanda ako ng patanda, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit.
Wala naman akong reklamo. Kahit magngangawa ako diyan wala namang mangyayari. My parents will never go back sa isa't isa. Sa mga books na nababasa ko, ang anak ang dahil para magkabalikan ang dalawang individuals. Pero, I think iba yung case ko.
Siguro wala akong impact sa kanila. That's what I thought. Pero when I was 14 years old. Napansin kong di na ako dinadalaw ni papa. Kahit tawagan hindi na niya ginagawa. I'm messaging him on messenger naman and nagrereply, puro sorry na lang ang natatanggap ko. Baka busy, sabi ko sa isip ko.
Hindi nagtagal, nakita ko sa post ng kapatid niya, nanganak na yung kinakasama niya. Lalaki. Nakita ko yung itsura ni papa sa photos. Ang saya niya. Medyo teary-eyed pa nga eh.
Ang bigat ng dibdib ko. Kaya pala wala na siyang time para sakin. Kasi may iba na siyang anak.
Alam mo yung parang bigla na lang ako nawala sa eksena. Parang gamit na pinalitan kumabaga.
After that, di ko na nakita si papa. Pero nangangamusta naman siya sa pag aaral ko. Ayoko naman siyang bastusin so I always entertain him kapag tumatawag.
I don't expect much from him na. Since he has a new family. Kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin, go lang.
Minsan pinapadalhan niya kong pera. I know he wants to fill in yung pagkukulang niya. Pero wala eh, kulang talaga. Di naman mababayaran nitong pera niya yung pangungulila ko sa kaniya. Well, ok lang, siguro ito na talaga yung fate ko.
Isang secretary ng CEO sa isang company si papa. Based sa kwento niya mabait naman ito sa kanya ta galante pa kaya hindi niya nakakalimutang magbigay sa akin.
Si mama naman ay isang teacher. Maganda naman ang sahod niya at nakakaraos kami sa isang buwan.
Si mama yung laging nandyan para saakin unlike kay papa. She never made me feel na iiwan niya ko.
Naalala ko no'n may bumuhos ng juice intentionally sa uniform ko. Oh my god hindi niya sinanto yung magulang. Kahit teacher siya inaabot niya yung uniform ko sa nanay nung kaklase ko.
Hindi naman perpekto si mama, may times na may pagkukulang din siya. Pero unlike kay papa, ako lang ang pamilya niya. Kaya hangga't kayang gawan ng paraan, gagawan niya.
"Ok yung laboratory report niyo, next meeting natin, goodbye" paalam nung prof namin. Currently, 4th year college na ko. I'm taking up Bachelor of Science in Chemistry. Isang sem na lang at matatapos na ang buhay ko-este ang paghihirap ko.
Tinanggal ko ang lab gown na suot ko. Inayos ko ang salamin ko at buhok ko pati na rin ang mga gamit ko.
Most students kapag katapos ng class makikipaghang-out sa friends nila. Ako naman dahil maaga pa, pupunta muna ako sa Coffee Tambayan, which is located sa may neighborhood near our campus.
Usually nilalakad ko lang toh habang nakapayong since super lapit lang naman. Suki nila ako dito. Maganda ang place and karaniwan konti lang ang tao. Ang nakakatuwa pa tapos na rin ang peak hours nila kaya masasabi kong tahimik ang buhay ko. Dito ko na kasi gagawin ang lab reports ko.
"Miss paorder ako ng matcha latte' medium size please" sabi ko.
"Yes po ma'am, please wait na lang po thank you" sabi naman ng barista.
YOU ARE READING
UNTAMED
FanfictionLina believes that life is so unfair to her. She never experienced to have a complete family, for her father left them during her childhood. Throughout the years, she experienced so many challenges. She met people that became her friends. She met so...