ASKB Chapter 7

38.3K 741 39
                                    

CHAPTER 7

[ BOTTLED WATER ]

ELI'S POV

These past few days, hanep ang nagiging topak ni seth. May bagong description na sya no? Topakin na, bipolar pa! Pano yung plano naming "operation bring back ate apple" ayun fail! Pero nagkabati naman na sila ni kuya lex. As usual, kung bati na sila hindi na ulit ako kilala ng kapatid ko haha! Sweet diba?

Panong fail? Si seth kasi, choz ako talaga haha! Nag gawa kami ng plano na isusurprise ni kuya lex si ate apple sa isang restaurant. Ang kaso tumanga lang naman po ako! Kasi ang plano kukumbinsihin ko si ate apple na pumunta sa location , eh ang nangyari nadala ako sa pangyayari kaya ayun medyo nakahalata. Nung nasa location na kami hindi ako mapakali, kaya nagbanyo ako. Eh sinundan pala ako ni ate apple. Saktong tumawag si seth na nakahanda na daw lahat. Ayun narinig ni ate. Ang fail nuh? Pero wag nga kayo, kasi dahil sa poy ko, nagbago ang plano kaya hindi parin kami bigo. Nasurprise parin si ate apple. In the end nagkabati din sila ni kuya. Thanks to my poy! (*^o^*)

Matapos nga nang nasabing naunshaming plano, ayun naging topakin na si seth, naguguluhan ako sa kanya, pakiramdam ko lahat ng tao at bagay na napapalapit sakin pinagseselosan nya. Minsan sobra kung makalapit. Nagegets nyo yun? As in, para syang babaeng magmemenopose, tulad ngayon.

nandito kami sa isang charity event. Wherein si bea eh, isa sa mga volunteer para sa mga batang may cancer. Mabait kasi talaga si bea. Ultimo yaman nya dinodonate nya para sa mga nangangailangan. Lalo na kapag mga bata. Sa totoo lang hindi naman kami ganun ka super close ni bea eh. Natuwa lang akong sumama kasi nga alam kong makakatulong kami.

At dahil nandito si bea, nandito din syempre si kuya kelvin! Ang sweet nila no? Sinusoporatahan nya si bea sa kahit anong gawin nito. Ang bait talaga nilang dalawa, wala akong nakikitang masama sa kanila.

Bago kami pumunta dito, tinext ko si poy, sinabi ko nga na magvovolunteer ako. Nung una ayaw pa nya pero nung nalaman na nandito si bea at si kuya kelvin. Biglang nagbago ang isip at tyaka naisipang sumunod, kaya eto kami pareparehas volunteer. Marami rami rin kami dito, siguro mahigit bente din half girls half boys. Kaya nga natatawa ako kay poy, pansin ko lagi nya akong hinahanap kapag sinasama ako ni bea para magpamigay ng mga pagkain. Palinga linga pa eh, tyaka ramdam ko yung mga tingin nya kapag may lumalapit sakin lalo na pag lalaki. Ang bad ko no? Natutuwa pa ko hhihi, landi eh!

Bigla syang lumapit at tyaka bumulong

"lahat ng nahuhulog nababasag, kaya subukan nilang mahulog sayo, sigurado basag ang muka!" Seryoso nyang sabi, tapos lumayo ulit. Kailangan kasi ng magbubuhat nung foods eh,

Naiwan ako na nakatulala, eh keshe naman, dinadama ko pa yung sinabi nya hihi (*^_^*) bumabanat nanaman eh! Ang kyut nya pag nagseselos. Tipid pero sagad magpakilig!

Okay balik sa pamimigay ng foods!

Para kaming teenagers na kahit may limang tao ang pagitan eh nagsusulyapan. Tapos kapag nahuhuli ko syang nakatingin sakin, kinikilig ako. Para kasi nya akong inuusap eh, yung mata nya, ay ewan! Sakin lang yun nakalaan no, haha. Pbb eh! Napapangiti nalang ako kasi kahit panay pawis na sya at sinusugod na parang pinagkakaguluhang artista ng mga bata, hindi parin sya nagrereklamo. Eh sa pagkakakilala ko sa kanya hindi sya ganun kahilig sa mga ganitong event. Alam nyo na, suplado nga diba? Hindi ko man lang sya nakitang naiinis, parang masaya sya sa ginagawa nya. Ang bait talaga ng poy ko. See? Kanina inis na inis sa mga lumalapit sakin, ngayon naman kala mo super enjoy sa mga bata.

haggang sa lumapit sakin si kuya kelvin.

"here," bigay nya sakin ng isang bottle ng mineral water. May hawak pa syang isa, siguro ibibigay nya yun kaya bea.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon