Chapter Eleven

91.9K 2.6K 311
                                    

CHAPTER ELEVEN

IBANG-IBA ang pakiramdam ni Frances nang magising siya isang araw. Pagmulat pa lang ng mga mata niya, isang ngiti agad ang sumilay sa mga labi niya.

Itinaas niya ang kamay at saka nag-inat. Tiningnan niya sa kanyang gilid ang natutulog na anak. Tulog na tulog pa si Cyla habang yakap-yakap ang stuff toy nitong pagong. Hinalikan niya ito sa noo at saka inayos ang pagkakahiga nito.

Napangiti siya nang makita si Matthew pagkalabas niya ng kuwarto. Nakatalikod ito mula sa view niya. He's standing tall while looking outside the window. Doon tanaw ang mapayapang dagat. Kumilos si Matthew at napalingon sa kanya na para bang naramdaman agad nito na may nakatingin rito.

"Good morning!" masiglang bati niya sa nobyo.

Nobyo.

Boyfriend. 

Sila na talaga ni Matthew! Isang linggo na ang nakalipas.

Umangat ang isang gilid ng labi nito. "Maayong buntag," he greeted back with that half sexy smile and raspy voice. Magulo pa ng kaunti ang buhok nito na parang kagigising lang din nito.

Lumapit siya rito at marahang inayos ang magulo nitong buhok. "You need a haircut," komento niya dahil masyado ng makapal at mahaba ang buhok nito. Napahaplos din siya sa panga nito na mas kumapal na ang stubbles.

Ilang araw na itong hindi nagse-shave.

Lalong nagiging rugged ang itsura nito.

Madumi iyon tingnan para sa OCPD niya but with Matthew, his messy hair and stubbles looked rugged yet sexy.

"Magpapagupit ako kapag nagpunta tayo sa bayan."

"Okay." Nginitian niya pa ito bago siya tumalikod at pumunta ng banyo. Naghilamos siya at nagsepilyo muna.

Paglabas niya ay nakatayo pa rin si Matthew sa may harap ng bintana at parang may malalim na iniisip habang humihigop ng kape nito. Nang balikan niya ito ay nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kawalan.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?" untag niya rito.

Nakuha niya naman ang atensyon nito at napatingin sa kanya. "Tungkol sa trabaho," seryosong sagot naman nito. Sumimsim ito ng mainit na kape.

"Marami ka pa bang assignments maliban sa pagbabantay sa'min ni Cyla?" natanong niya rito pagkatapos mapansin ang mga folders na nakabalandra sa dining table.

Napatingin din doon si Matthew at saka umupo. "Marami. But my team can handle it. Constant ang communication ko sa kanila kaya nakakapag-instruct ako ng mga dapat na kilos nila."

"Mahirap ba manghuli ng criminals?"

Ngumisi ito. "Oo. Pero mas mahirap mahuli ang puso mo."

She chuckled. Akmang uupo siya sa tabi nito ngunit nahawakan na ni Matthew ang kamay niya at marahan siyang hinila paupo sa hita nito. Napangiti na lang siya.

Sa unang linggo ng relasyon nila ay napansin niya agad na hindi ganoon kalambing si Matthew. He's not the usual clingy type of guy. Hindi siya laging niyayakap o hinahalikan nito.

He's not that showy. Ngunit kahit ganoon ay ramdam niya pa rin ang pagmamahal nito. Mas madalas, pasimpleng maglambing si Matthew katulad ngayon.

"You already got my heart, Agent Dela Merced," nakangiting sabi niya at saka mabilis na kinintalan ng halik sa labi.

"Bakit ang aga mo yatang nagising ngayon? Naunahan mo si Cyla," anito habang nilalaro ang kamay niya ng isang kamay rin nito.

She pouted. "Napansin ko kasi kapag unang nagigising si Cyla, hindi mo 'ko malambing sa harap ng bata. Kailangan ko pa maghintay minsan sa gabi bago mo 'ko lapitan ng katulad ng ganito."

Indomitable Matthew (TTMT #2)Where stories live. Discover now