Chapter 17- Bagong Prof

422 32 1
                                    

Annie made peace with me without saying sorry. Siguro natanggap na niya sa puso niya na going strong sila ni Eric at hindi si Jayce ang nakatadhana sa kanya. Kinakausap na rin ako ni Jenny dahil may nanliligaw na dito. Hindi na siya bitter sa amin ni Jayce. Lumagpas na rin kami sa 3 months na taning ni Jenny sa amin. So far, masaya na si Jenny sa attention ni Anthony.

"Diyos ko, pawis na pawis na naman sila," wika ni Annie habang nakatingin sa mga naglalaro naming kaklase. Nasa loob ng court si Eric at napapansin kong hindi pinapasahan ng bola ni Jayce.

Si Annie at Jenny na ang lumapit sa akin sa bench kung saan ako iniwan ni Jayce at pinagbantay ng mga gamit nilang magbabarkada.

"Dahil sa bente, nagpapakamaty ang mga ito," sabi ni Jenny. Katabi niya si Anthony na pinapaypapayan siya. May taga paypay na.

"Nasaan si Trixie?" tanong ko sa dalawa. Parati na lang nawawala tuwing break namin ever since.

"May date," sabay na sagot ni Annie at Jenny.

"Nakita na ninyo ang bago nating Prof?" tanong ni Jenny.

"May bago tayong Prof?" balik na tanong ko sa kanya habang ang tingin ay nasa bola. Baka matamaan na naman ako ng bola.

"Sa Physics," sagot ni Annie.

"Ay hindi ko pala Prof," natatawang sagot ko.

"Mamaya daw magpapakita," ani ni Anthony.

Na kay Eric ang bola at pinasa niya kay Paulo. Kaya lang ay hindi nahabol ni Paulo ang bola at papunta na naman sa akin. Sa gilid ng mata ko ay tumatakbo si Jayce palapit sa akin para harangin ang bola. Tinamaan si Jayce ng bola sa wrist.

"Tang-ina, ano ba!" sigaw ni Jayce. Pati ako ay natahimik nang sumigaw si Jayce. "Makakatama kayo ng bola. Magpasa kayo ng maayos ah!"

Para akong may magnet ng bola. Noong highschool ako, tinamaan ako sa mukha ng bola ng volleyball kaya natakot akong mag-volleyball. Nagdugo ang ilong ko noon. Ngayon naman tuwing manonood ako ng basketball, hindi maaring hindi ako manganib na matamaan ng bola. Mabuti na lang at nahahabol ni Jayce.

"Hoy, si Paulo ang hindi nakahabol," pagtatanggol ni Annie. Hindi siya pinansin ni Jayce. Ilang beses inikot-ikot ni Jayce ang wrist niya na parang nasaktan nang tamaan ng bola.

"Akala mo naman ang taas ko kung pasahan mo ako ng mataas na bola. Sa baba ang pasa, boi," angal ni Paulo. Kinuha ni Pau ang bola kay Jayce at nag-dribble palayo.

Okay lang kaya si Jayce?

Hindi natapos si Jayce ang laro, nagpa-sub siya kay Michael. Panay niyang iniikot ang wrist niya nang tumabi siya sa akin at kuhanin ang pamaypay na hawak ko.

"Okay ka lang?" tanong ko s akanya. "'Yong wrist mo?"


"Tanga kasi ng syota nito," wika ni Jayce at tumingin kay Annie.

"Gag—," hindi natuloy ni Annie ang pagmumura. Pinili niyang manahimik.

"Ano ang kailangan mo? Baka mamaga 'yan."

"Yeyeluhan ko mamaya," sagot ni Jayce.

"Magkano ba ang pusta mo?"

"Fifty," he replied.

"Fifty plus namamagang wrist. Kanan pa 'yan, paano ka magsusulat?"

Napabuntong hininga si Jayce. "Kaysa tamaan ka ng bola," giit niya.

Pinigilan kong mangiti.

Minalas si Jayce nang matalo ang pusta niya at nagsimula nan gang mamaga ang kanang kamay niya. Nagpunta ako kay Ate Sheila at bumili ng yelo. Ayaw naman magpadala sa clinic ni Jayce at ayaw pa ring umuwi.

"Hintayin mo ako," Jayce stated. Physics nila at ako naman ay uwian na.

"Sige hihintayin kita. Huwag mong pwersahin 'yang kamay mo."

Naabutan ako ng bagong Prof nil ana palabas ng room. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at bumalik ang pangin niya mula paa hanggang sa dibdib.

Naiilang akong niyakap ang bag ko na hindi ko pa naisusuot.

"Magcu-cutting ka?" tanong ng Prof sa akin.

"Wala po akong Physics," magalang na sagot ko.

Sinenyasan ako ni Jayce na umalis na kaya naglakad na ako palayo... ng mabilis. Hinintay ko si Jayce na matapos. Sandali lang ang Physics nila ngayon dahil bago ang Prof nila. Tanaw ko muna sa kinuuupuan ko ang room nila Jayce. Lumabas ang Prof nila at luminga-linga. Kasunod no'n ang ang mga classmates ko. Nakatingin sa akin ang Prof nila Jayce. Alam kong sa akin siya nakatingin dahil ako lang mag-isa ang nakaupo sa bench. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na si Jayce kung hindi niya lang natakpan ang Prof.

"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako naririnig?"

"Sorry, hindi. Prof n'yo ba 'yon?" tanong ko habang patayo.

"Oo. Huwag kang lalapit—"

"Mabuti at hindi ko Prof," mabilis na sagot ko. Nawala ang ngiti ko nang makita kong seryoso ang mukha ni Jayce.

"Tinatanong ka niya," wika ni Jayce. "Iwasan mo siya gaya ng pag-iwas mo kay Sir Calderon."

Yeah, I have the same feeling. Kinikilabutan ako sa bagong Prof na iyon.

"I will."

Kamalas-malasan, natraffic ako pauwi dahil sa parada ng mga kandidato. Inabot ako ng tatlong oras sa daan. Tatlong oras! Abot langit ang kaba ko nang makarating ako sa bahay ng alas-dies na ng gabi.

"Saan ka galing?" salubong ni mama sa akin. Mainit na naman ang ulo.

"Na-traffic ako dahil sa parada."

"Bakit di ka nagsasabi!" sigaw niya.

"Wala akong phone," paliwanag ko sa obvious. Di ba sinanla mo nga!

"Sana naki-text ka!"

"Ugh?" Nanlalaki ang butas ng ilong ni mama habang nakatingin sa akin. "Pumasok ka na nga sa kwarto mo!"

Hindi ako kumibo. Hindi na rin ako kumain.

Walang pasok kinabukasan. Para daw ma-accommodate ng buong Bataan ang mga Senatorial candidate na dahilan ng matinding traffic kagabi. Wala akong magagawa kung hindi manatili sa bahay at iwasan hangga't maari si Mama.

Suka nang suka si mama sa kitchen nang makita ko. Hindi ko alam kung pupuntahan ko para tanungin. Nag-aalangan akong lumapit.

"Ma?" tawag ko. "Ugh, kailangan mo ba ng tulong?"

Sinenyasan ako ni mama na umalis. Dumating si papa at tinawag naman ako nito. Hindi ko alam kung sino ang susundin sa kanila. Pinag-awayan pa nilang dalawa ang pagkakatayo ko sa gilid ng kusina. Doon ko nalaman na naglilihi pala si mama kaya mainit lagi ang ulo. Panay sumbat niya kay papa na kaya siya nahihirapan ay dahil dito.

"Shit..." bulong ko. "...eighteen years ang agwat ko sa magiging bunso namin."

Iniwan ko sila mama at papa sa kusina. Hinayaan kong saluhin ni papa ang init ng ulo ni mama. Deserve nila ang stress sa pag-aanak pa ulit. 

In my DreamsWhere stories live. Discover now