Chapter 2

391 22 56
                                    

SELENE’S POV

NAPANGIWI na lang ako nang bahagya nang maalala ko na naman ang pangyayari na ‘yon. Sorry, ha! Bingi at gutom lang kasi talaga ako noong panahon na ‘yon! Mabuti na lang talaga at may koneksiyon ako sa school kaya hindi nila 'yon nagawa sa'kin. Hindi nila ako na-bully noong mga panahon na ‘yon.

Ang hindi lang nila alam, isa akong ultimate fan ni Kent. Ang guwapo niya kasi, tapos talented pa, tapos ang bait pa. Saan ka pa? Feeling ko nga ay anghel na si Kent sa paningin ko, eh.

Baliw na ba ako?

Anyway, Grade 10 na kami, at siya ang captain sa basketball team nila. Magaling din siya sa academics pero mas magaling siya sa sports. Sana all naman, 'di ba?

Magaling din siya mag-paint. Sayang nga lang talaga at hindi ko pa nakikita 'yong mga paintings niya. Hindi naman kasi niya nilalagay sa museum ang paintings niya. Sa bahay lang yata nila dahil ayaw niyang may makakita na iba sa mga gawa niya. Hays. Sayang naman. Kahit isa man lang sana ang makita ko bago ako madeds, 'di ba, charot.

Pero ideal man ko talaga siya. Nasa kan'ya na ang lahat. Kaya nga maraming nagkakandarapa sa kan’ya, eh... at isa na ako roon.
Kent. May pag-asa pa kaya na mapansin mo ako?

Kahit naman 'di ko sabihin na crush ko siya, halata naman na kasi kung hindi ko siya crush at kung wala akong pakialam sa kan'ya, magtiyatiyaga ba ako na magtago sa malaking puno na 'to para lang mapanood siya?

Oo na, ako na ang baliw. Tanggap ko naman 'yon at hindi ko iyon ide-deny, ‘no.

Kaya lang, ang masakit, hindi niya pinapansin ang lahat ng nagkakagusto sa kan’ya dahil may mahal na siyang iba at sa bibig niya mismo nanggaling 'yon.

“I experienced falling in love once, and I may be young, but I'm sure that I'll only love her for the rest of my life.”

'Yan ang eksaktong pagkakasabi niya sa amin, sa fans club niya, noong may nagtanong sa kan’ya kung mayroon na raw ba siyang napupusuan.

Who's her? She's just so blessed to have him, if ever.

Nang maalala ko ulit 'yon, napayuko na lang ako kasi siyempre, masakit. Masakit na nagpapakatanga ka sa taong may mahal nang iba, pero mas masakit na kahit na alam mo na may mahal na siyang iba, hindi mo maihinto ang nararamdaman mo para sa kan'ya.

Kung sino man 'yong babaeng mahal niya, napakasuwerte niyang talaga.

Kasi nararanasan niya kung paano mahalin ng isang Kent Fujimoto, na gustong-gusto ko maranasan.

Gustong-gusto to the point na handa akong gawin ang lahat para sa kany’a. Ganoon ko siya kamahal at ganoon din ako kabaliw. Minsan sinasabi ko na crush ko lang siya pero normal ba na umaabot ang simpleng pagka-crush lang nang dalawang taon mahigit?

I wonder.

Nandito ako ngayon sa itaas ng puno. May lahi yata akong unggoy kaya naman ay kaya kong umakyat sa mga puno.

Nakaupo ako sa may sanga at pinapanood ko siya mula rito. Ito ang secret place ko dahil dito ako nagtatago kapag pinapanood ko siya. Maaarte rin naman ang mga kaklase kong babae na ayaw umakyat ng puno dahil madudumihan daw ang palda nila at ang mga lalaki naman ay sa court or computer shop tumatambay.

And wait, araw-araw ko 'tong ginagawa dahil araw-araw din naman siyang natambay sa kinauupuan niya ngayon at nagpipinta. Minsan nacu-curious ako kung bakit dito siya nagpipinta at hindi sa bahay nila, pero ayos na rin 'yon dahil nakikita ko naman siya sa araw-araw dahil nandito siya.

Nagtatago ako dahil ayokong matakot siya sa'kin. Baka kasi kapag nakita niya akong sinusundan siya eh mas lalo niya lang akong layuan. Hindi na nga kami magkakilala tapos lalo pa siyang lalayo. Sakit naman no’n. Sa bagay naman kasi, sinong tao ba naman ang gugustuhing magkaroon ng isang stalker?

She's The Lovely Angel [COMPLETED/PREVIEW ONLY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon