Prologue

7 2 0
                                    

"Good Afternoon! Brother and Sister." Bati ni  2nd Councilor na si Bro. Jc, hudyat na magsisimula na ang sacrament meeting.

Mabuti na lang at nakahabol pa ako, muntik na akong malate. Tumabi ako sa kaibigan ko dahil nahihiya akong maglakad sa harapan para humanap ng mauupuan.

Nag kwento ng kaunti ang kaibigan ko tungkol sa mga karanasan niya bilang miyembro  ng Church. Ilang taon din akong naging inactive dahil sa pandemic. Laking pasasalamat ko lang dahil nakabalik na ulit ako sa simbahan.

Nag simula na ang opening hymn at sinundan naman ito ng opening prayer.

Kumanta kaming muli bago i-partake yung bread and water.

Nang matapos na, nag share na sila ng mga na-assign sa kani-kanilang topic, at pag katapos no'n ay mag she-share na sila ng testimony nila kay Jesus Christ.

Nang natapos na ang sacrament, dumiretso ako sa C.R para malaman kung haggard na ba ako. Self-conscious kasi ako lalo na kung nasa church ako. Mahirap na baka ikaw pa ang maging laman nila sa mga topic nila.

Malapit nang magsimula yung sunday class, sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin kung sino ang katabi ko. Saktong pag upo ko ay nag conduct na ang aming Pres. na si Leon. Nang matapos ay ipinakilala niya sa amin ang kaniyang kaibigan na si Dior.

Ang gwapo ng pangalan, siguro maraming may crush sa kaniya. Pero ngayon ko lang siya nakita rito sa chapel. Malamang ay baka sa ibang chapel siya nag sisimba.

Medyo nabitin ako sa pangalan niya. Imposibleng Dior lang ang kaniyang name? Hay nako. Itatanong ko na lang sa kaibigan ko mamaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LifetimeWhere stories live. Discover now