kawaii 30 ~ Hopeless Case!

6.5K 173 7
                                    

Yuweh's POV

Nagising ako sa pakiramdam na parang nangangawit ang mga kamay. Pagtingin ko nakatali pataas ang dalawa kong kamay pati mga paa ko.

"Nasan ako?"

Inilibot ko ang paningin sa paligid,para akong nasa abandonadong lugar. Isang abandonadong mansyon.

Shit! Anong nangyari? Bakit nandito ako? Oo nga pala! May mga dumukot sa akin!

"Oh gising na pala ang nawawalang apo ng Prime minister" nagulat at napalingon ako sa lalaking nagsalita. At mas nagulat ako sa kasama nya.

"Sunshine?"

"Ako nga Fag,kamusta? Ano pakiramdam ng nakabigti ang mga kamay at paa? Dont worry makakalasap ka muna ng sarap bago kita parusahan hahaha!"

"Hayop ka! Ano ba talagang kasalanan ko sayo? Bakit ginaganito mo ako?!" galit ko ng sabi. Nanggigil na ako,akala ko tumigil na sya noon,hindi pa pala.

"Thanks for the compliment fag! Well galit ako sayo dahil inagaw mo si Argel sakin!" sagot nya sa akin may kinuha sya sa isang table. Kutsilyo! At saka sya lumapit sa akin. Nakaramdam na ako ng takot dahil alam kong hindi magdadalawang isip ang babaeng to na bawian ako ng buhay.

"Baliw ka! Wala ako inaagaw sayo! Dahil kahit kailan hindi naging sayo si Argel!" bulyaw ko at dinuraan sya sa mukha. Halatang nagulat sya pero nakabawi agad.

"Hubaran nyo yan ng damit!" utos nito sa mga goons nya. Lalo ako kinabahan, anong binabalak nya?

Lumapit ang isa at sinira ang suot ko,yung costume namin sa cheerdance.

"Well,makinis ka palang bakla ka! Pero hindi magtatagal ang pagiging makinis mo dahil sisirain ko yan!" aniya at napasigaw ako sa sakit dahil hiniwa nya ang balat ko sa dibdib,hindi malalim ngunit mahaba at panay ang dugo. Nanginig ang kalamnan ko sa galit at sakit.

Binigyan ko si Shine ng masamang tingin. Tingin na nagpapakita kung gaano ako namumuhi sa kanya.

"Alam mo ba na galit ako sa mga tulad mo? Iniwan kami ng Daddy ko para sa isang bakla! Kaya wala kayo karapatan umibig at maging masaya!" galit na sabi nya at muling nag slash ang kutsilyo sa katawan ko.

"Nakaka awa ka Sunshine! Kinakaawaan kita! Maaaring mapatay mo ako pero hindi magiging iyo si Argel!" sagot ko naman. Kaya pala sya ganyan dahil sa karanasan nya,pero hindi naman nya pwedeng lahatin ang mga bakla.

"Stupid!" aniya at pinagsasampal ako. Malalakas yon,namanhid na nga ang mukha ko at ramdam kong nagdudugo na ang ilong at bibig nya.

"Hindi pa kita papatayin,papakinabangan pa muna kita" ngiting demonyong sabi nya sa akin saka bumaling sa pinaka leader ng goons. "tawagan mo na ang pinsan nyang baklang yan! Iiwanan ko na yan sa inyo, gawin nyo ang lahat,laman tyan din yan at makakaraos din kayo" at saka ito umalis.

Natigagal ako sa sinabi nya, anong ibig nyang sabihin? Pagsasamantalahan nila ako?

NOOOO!! Hindi pwede!!

Kinuha nito ang phone nya at may dinayal,niloudspeak pa talaga at dinig na dinig ko ang pag ring.

"Hello? Who's this?" kilala ko ang boses na yon,si Shin yon!

"Ikaw si Shin diba?"

"Oo,sino ba to?"

"Alam kong alam mo kung ano pakay ko,kailangan namin ng 500 million kapalit ng buhay ng baklang hawak namin"

"WHAT?! 500 million? Wala akong ganong halaga!" biglang bulalas ni Shin. 500 million? Kahit ang mga magulang ko walang ganung pera!

"Alam ko,kaya nga sa Prime minister kami hihingi,pag hindi mo tinupad,bangkay nyo ng makikita ang bading na ito! Hoy bakla magsalita ka" sabi nito kay Shin at lumapit sa akin,ikinikiskis nya ang pagkalalaki nya sa akin. Shit! Nakakakilabot!

"P-pins-sann..." tangi kong nasabi at inilayo ulit ang phone sa akin,this time hinahalik halikan na ng lalaki ang leeg ko! Nandidiri ako! Pakiramdam ko ang dumi ko na dahil sa ginagawa sa akin!

"Anong ginawa nyo sa pinsan ko? Mga gago kayo!" bulyaw ni Shin, gusto ko magsalita pero tinakpan nya ng kamay ang bibig ko.

"Relax lang bata! Okay din tong pinsan mo,makinis,maganda,parang babae,kaya pwedeng pwede na hahahaha"

"Damn you! Nasan kayo?!" sabi ulit ni Shin. Alam ko galit na galit na ang pinsan ko. Kung makakawala lang ako sa mga taling ito pipilipitin ko ang leeg ng hayop na lalaking ito!

"Itetext ko ang lugar kung san tayo magkikita,dapat dala mo na ang pera,huwag kayong magkakamaling tumawag ng pulis dahil hindi kami magdadalawang isip na patayin to" sagot nito saka pinutol ang tawag at bumaling sa akin.

"Tama si boss,laman tyan ka na din" nakangisi nitong sabi.

Nagtayuan ang balahibo ko sa kilabot at kaba. Ayoko! Ayokong malapastangan ng kagaya nya! Ayoko!

Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang mga tali sa kamay at paa ko.

"Magbantay kayo dyan! Yayariin ko lang to,pagkatapos ko kayo naman" sabi nito sa mga kasamahan at unti unti ng nagtanggal ng saplot.

Naluha na ako sa takot. Napaka helpless ko, wala man lang ako magawang paraan para iligtas ang aking sarili. Dyos ko! Huwag nyo po hayaang mangyari sa akin ito! :(

AN ~ Magandang tanghali! PIC NGA PALA NI AMARA =D right side if PC o laptap gamit, at sa baba naman kung mobile user ka :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now