Chapter 24

55 2 0
                                    

LANDON'S POV:

Hindi sinasagot ni Mushroom ang mga text at tawag ko kahapon. Ano ba kasi ang naging usapan nila ni Jb? At bakit parang kinakabahan ako?

Nandito na ako sa school ngayon, maaga ako kasi gusto ko makita agad si Mushroom. Pupunta sana ako sa kanila pero yun nga, hindi pwede makapasok kasi wala daw binigay na permission si Ciara. Kainis naman.

"Oh L, hindi mo ata kasama si Ciara?"-Austin

"Yun na nga eh, hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko."

"Hayaan mo muna yun L, nagkausap kami kahapon. Kailangan niya muna ng space kahapon pero I think maging ok na yun ngayon."-Seina

"Ano ba kasing nangyari?"

"Tanungin mo na lang si Cj, wala akong right sabihin sayo eh."-Seina

"Mabuti pa siguro kung hihintayin ko siya sa labas."

Nagnod lang si Austin at umupo na silang Seina sa upuan nila. Wala pa masyadong tao kasi first day ngayon at usually 8:30 magsisimula ang mga classes basta first day every sem. Di bale yung performance namin ay para sa foundation day at last day of enrollment kaya kami ang pinili kasi paniguradong pupunta ang mga estudyante.

Paglakad ko sa hallway, nakasalubong ko si Jb. Oo nga pala, dito na sila nag-aaral.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin. Tumingin din ako sa kanya. Ngumiti siya, pero hindi yung ngiti ng dating Jb.

"Long time no see L, how are you? Old pal."-Jb

"I'm fine Jb, you've change a lot."

"Yeah, thanks to Black Eye."-Jb

"He must be thankful."

Tumawa si Jb at lumapit siya sakin.

"Akin lang si Ciara, akin siya."-Jb

"Paano ba yan, kami na. Huli ka na Jb."

"Ako ang first love niya, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin Landon. Mag-iingat ka, I can kill you just like what you did to me."-Jb

At naglakad na siya papunta sa room. F*ck, kaklase namin sila?

Inayos ko na lang yung damit ko at naglakad papunta sa garden.

Alam niya pala na ako si Black Eye, paano? Sinabi ba niya kay Death Queen?

"Hoy!"-Ciara

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Ciara.

Tumingin ako sa kanya, parang ok naman siya.

"Why you didn't answer my calls and texts?! I was worried about you! F*ck Ciara."

Nagulat ako sa mga nasabi ko, bat ang init na naman ng ulo ko ngayon.

May mga students na nakarinig sa pagsigaw ko kaya tumingin sila sa amin at parang pinahiya ko si Ciara.

"Did you just shout at me?"-Ciara

"Mushroom, I'm----"

"DID YOU JUST SHOUT AT ME?!"-Ciara

"Yes!"

Hinawakan ko ang ulo ko.

"Whatever."-Ciara

Bigla siyang naglakad.

My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon