Kabanata 35: Ang Usap-usapan

628 4 0
                                    

Iba’t-ibang balita ang nagkalat sa bayan tungkol sa nangyari sa tanghalian. May mga balitang
nagkalat na patay na daw ang pari. Mas marami naman ang pumanig sa pari dahil kung nakapagpigil lang sana ito ay hindi sana iyon mangyayari.
Ipinagtanggol naman ni Don Filipo si Ibarra. Aniya walang sinuman ang makakapagtimpi sa mga salitang binitiwan ng pari. Ayon sa alkalde ay wala naman silang magagawa dahil laging mga pari ang tama. Kaya kung sinuman ang pumanig kay Ibarra ay magkakaproblema.
Dagdag pa ng isang babae, kung siya daw ang ina ni Ibarra ay namatay na ito sa kahihiyan.
Nalugod naman si Kapitan Maria sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa ama.
Marami naman ang nabahala na baka hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan.
Naniniwala sila na ang paaralan na iyon ang magiging daan upang magkaroon ng magandang kinabukasn ang kanilang mga anak.

Talasalitaan:
Pumanig – kumampi
Makakapagtimpi – makakapagpigil
Alkalde – mayor
Binitawan – pinakawalan
Nalugod – nagalak

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now