Chapter 5

4.5K 155 27
                                    

Dumating sila Dennise sa bahay ni Alyssa, around QC lang ito kaya hindi malayo sa eskuwelahan na pinapasukan ni Dennise

Pagbaba pa lang nila ng sasakyan ay namangha na siya sa itsura ng bahay ni Alyssa, isa lamang itong simpleng 2 storey house. Malayong malayo sa mansyon na ini-imagine niya

Medyo kabado siya sa lugar kung saan nakatira si Alyssa.. isa kasi itong exclusive village para sa mga 'Elites' (A/N: lahat ng mga bampira ay mayaman at mas kilala rin sila sa tawag na 'elites')

Meaning naglipana dito ang mga bampira, ang mga mapang abusong bampira.

Winaksi na lamang ni Dennise ang kanyang mga iniisip ng makapasok siya sa loib ng bahay ni Alyssa, para bang lahat ng kanyang iniisip kanina ay nawaglit dahil sa ambiance ng bahay..

Feeling niya safe siya sa loob ng bahay nito at walang makakasakit sa kanila ng kanyang kapatid. Kumbaga napaka homy dito

'I expected dungeons not a cozy living room' kahit si Den ay napatawa na lamang sa kanyang naiisip

Napadako naman ang tingin niya kay Avery at kay Alyssa na ngayon ay magkahawak pa ng kamay sa pagpasok sa bahay, habang di naman siya pinapansin ni Alyssa para bang hangin lang siya dito

Bigla namang may sumulpot sa harapan ni Dennise na isang matandang babae

"Hija ako nga pala si Manang Celia.." nakangiting bati sa kanya ng matanda

Madali namang nagmano si Den sa matanda at nagpakilala din

"Hi po! Ako nga po pala si Dennise Lazaro.." masiglang bati dito ni Den

"Ay ineng kilala na ki------" naputol ang pagsasalita ng matanda ng sumabat si Alyssa

"Manang..." Alyssa said warningly to the old lady, habang nakaupo siya sa sofa at minamasahe ni Avery ang balikat na para bang naglalaro lang dahil maliit lang ang mga kamay nito at hindi pa marunong magmasahe

"Ako nga pala ang namamahala sa bahay na ito.." pinukaw ulit ng matanda ang atensyon ni Dennise, gaya kanina nakangiti pa rin ang matanda. Nakalimutan na tuloy ni Dennise ang sinasabi nito kanina

"Ganun po ba? May makakatulong na po kayo ngayon... ako!"-Denden

"Hahaha ikaw talagang bata ka..." naaaliw na sabi ni Manang Celia

"Ito naman pala si Diego, siya ang nag aalaga ng mga halaman ni Madam..."

Doon lamang napansin ni Dennise na may nakatayong lalaki sa likod ni Manang Celia, sa kanyang pakiwari ay kasing edad niya lamang ang lalaki

"Hi Diego.. ako nga pala si Dennise, Denden na lang kung gusto mo.." inabot naman ni Den ang kamay niya kay Diego

"Masaya akong makilala ka Denden.." nakangiting sabi ni Diego na medyo nagblush pa dahil ang lambot ng kamay ni Dennise

Di pa sila nagbibitaw ng kamay ay malakas na tumikhim si Alyssa na nakapagpabitaw sa mga kamay nila

"Manang Celia, paki dala na sila sa kanilang kwarto..." madiin na sabi ni Alyssa

Lumapit naman na sakanya si Avery at binuhat niya ulit ito gaya ng kanina...

Dinala na sila ni Manang Celia sa kanilang kwarto, nadatnan nilang nandoon na kanilang mga gamit. Inayos naman muna ito ni Dennise habang si Avery ay natulog na sa maliit na kama sa loob ng kwarto.

Nang matapos siya sa pag aayos ng kanilang gamit ay nahiga na rin siya sa tabi ng kanyang kapatid at natulog

----------------------

Nagising si Dennise na hindi niya na katabi si Avery kaya naman ay napabalikwas siya ng tayo at nag umpisang mag panic

Maya maya ay may kumatok sa pintuan ng kanilang kwarto pagkabukas niya ay si Manang pala ito

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon