Chapter 1

2.6K 63 4
                                    

Dahil wala pang klase, naisipan ni Irina na magpunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Maaga pa kung tutuusin, pero wala naman siyang gagawin at wala rin siyang balak puntahan.

Sa tatlong oras na break time niya, naisipan niyang sa cafeteria na lang tumambay. Dala naman niya ang laptop niya at magtatrabaho na lang siya para mabawasan ang task niya pag-uwi sa condo. Magagawa pa niya ang ibang task.

Dalawang taon na rin siyang freelancer. Bukod sa ipinadadala ng parents niya para sa tuition at allowance, sa pagtatrabaho siya kumukuha ng pera para sa ipon o kung ano pang kailangan niya. She had been independent since her grandmother died two years ago.

Sumandal siya sa upuan at inobserbahan ang cafeteria. Dumarami na rin ang mga estudyanteng kakain o tatambay lang tulad niya. Sumimsim siya ng kape na nabili niya sa vending machine. Nag-iisip din kasi siya ng blog article para sa kasalukuyang kliyente niya.

Madalas na gusto ni Irina ang ingay ng school cafeteria. Minsan naman ay sa library siya nakatambay lalo na kapag kailangan niya ang malalim na pag-iisip.

Irina's phone rang in the middle of typing, and it was Carlos. She immediately answered.

"Hi, babe!" Carlos greeted. "Where you at?"

"Cafeteria ako, ikaw? Working ako ngayon," sagot niya. "May practice ba kayo later?"

"Wala raw sabi ni coach. Sunduin kita? Labas tayo?" tanong ni Carlos. "Or we can just stay sa condo mo and watch if you're busy?"

Binuksan niya ang notes niya para sa maghapon kung mayroon ba siyang ibang task bukod sa kasalukuyang tinatapos niya.

"Wala naman akong gagawin mamaya. Kung meron kang gustong puntahan, puwede naman." Ini-scroll ni Irina ang reminders app niya. "Matatapos na rin ako sa blog ni Sir Matty and I'm good after 5 o'clock."

Mula sa kabilang linya, naririnig niya ang mga kaibigan ni Carlos. Mukhang nag-aayaan ang mga itong lumabas ngunit narinig niya ang boyfriend niyang mag-paalam sa mga ito.

"Hindi ka sasama sa kanila? Minsan lang naman kayong lumabas," ani Irina at naghikab. "Inaantok na 'ko. I still have an hour and a half before next class."

Mahinang natawa si Carlos. "Go nap, baby. Hindi ako sasama sa kanila. Gigimik lang naman sila. I want to rest. Okay lang ba na we'll stay sa condo mo?"

"Oo naman!"

"Sige. Bago kita sunduin, dadaan na 'ko sa grocery so it won't take time. Free time ko na rin naman. What do you want for dinner?" muling tanong ni Carlos.

Napaisip si Irina dahil wala naman siyang specific na gusto, pero bigla niyang naalala na gusto niyang kumain ng pork adobo nitong nakaraan.

"Pork adobo na lang, love. Puwede rin bang pabili ng milk? Dadaan kasi talaga ako ng grocery mamaya sana to buy milk. Wala na 'kong stock." Mahina siyang natawa. "Please?"

"Yup, of course. I'll see you later, baby. Punta lang ako sa quarters kasi may meeting sandali 'tapos didiretso na ako sa grocery and then I'll pick you up. Message mo ako if there's anything pa. Okay? I love you!"

"I love you," Irina responded and dropped the call.

Kahit na medyo tinatamad, ipinagpatuloy ni Irina ang ginagawa para matapos na niya ang trabaho. Alam naman niya na kapag kasama niya si Carlos at nagtatrabaho siya, hindi ito manggugulo sa kaniya, kaya siya na rin mismo ang gumagawa ng paraan para hindi maging busy sa mga susunod pa.

Pagpasok sa classroom, wala ang professor nila. Napapikit si Irina dahil kung alam lang niya, sana ay nagpasundo na siya kay Carlos dahil last class na rin naman niya iyon. Kung alam lang niya, maaga sana siyang nakauwi.

1: The Varsity's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon