1

8 2 0
                                    

I pull a espresso shot habang nakatingin sa mga nagdadagsaang mga tao. Pinunasan ko ang pawis ko at inayos ang aking suot.



"Ilang shot pa?" tanong ko sa barista ko.



"Lima pa sir" sagot naman nito kaya gumawa pa ako ng panibagong shot.



Habang tumatagal paubos na din ang mga basong naka hilera sa amin. Tinignan ko ang oras at mag-aalas tres na pala.



I opened my phone at tinignan ang messenger. Walang chat mula sa kanya. Napangiti na lang ako sa sarili ko. I expected this naman na hindi ako magugustuhan, wala itong patutunguhan pero gusto ko siya e so I will try.



Naisip ko na din na itigil ang pangungulit pero what if magustuhan ako diba?



Napailing na lang ako at tinignan ang mga iba pang gagawin. Inupdate ko na lahat ng paper works ko at pinaglinid ang mga ibang baristang walang ginagawa.



"Sir magpapa-alam sana ako na di ako papasok bukas kasi aasikasuhin ko yung bill ng anak ko sa hospital." paalam sa akin ng isang barista ko.



Pumayag naman ako kasi nung nakaraan pa nagpaalam eto sa akin.



Humanap ako ng pwedeng magduty bukas para sa kanya. Nagchat ako sa mga ibang supervisor kaso wala din daw silang mga tao. Napabuntong hininga ako at naiisip ko nanaman na mag momorning shift ako.



Nag clocked out ako para magbreak. Bumili lang ako ng food sa Mcdonals at kinain na dun sa store. I opened my messenger again, nagblublue naman ang message pero hindi ito magawang buksan kaya agad kong inunsent ang mga chat ko sa kanya.



Nababaliw na ako, halatado masyado na gusto ko ang tao. Fuck, bahala na.



After ko magbreak ay tinulungan ko ulit ang mga barista ko kasi tambak nanaman ang mga baso. Mag alalas singko na ng humupa na ang mga customer sa amin. Pinauwi ko na din ang mga morning shift kasi anjan naman na ang mga closing.



Biglang tumunog ang cellphon ko, nagulat ako ng makita kong tumatawag ang area manager namin. Agad ko naman itong sinagot.



"Hello Ma'am good afternoon." bati ko sa kanya.

"Hello Gabe. Ano oras ka bukas?"

"Umaga po Ma'am. Bakit po?"

"Pwede ka ba magduty ng 10 am hanggang 7 pm bukas sa may Glorietta?"



Napatigil ako at napaisip. Fuck, sa store nila ako mag duduty.



"Yes, Ma'am pwede po." sagot ko at ayun na nga sa G4 ang duty ko bukas.



Kinaumagahan bandang alas nwebe ng umaga ay nakapagbihis na ako at naka ayos. Tinignan ko ang orasan at nakita ko alas nwebe y media na kaya nagbook na ako ng angkas papunta sa Glorietta.



Hindi naman ako nahirapan makadating doon kasi mabilis lang naman ang byahe kapag motor.



Agad ko ng binigay ang bayad kay Kuyang Rider at naglakad na papunta sa store.



Habang naglalakad ako patungo sa store nila ay kumakalabog ng malakas ang aking dibdib. Kinakabahan ako kasi ngayon ko nanaman ulit siya makikita simula nung lumabas kami.



Napalingon ako sa isang lalaki na naka-upo habang tutok siya sa kanyang laptop. Hindi niya ako napansin kaya dumiretso ako sa kanilang pintuan at hiningi ang company phone sa barista at nagtime-in sa kanilang grouo chat.



Tumunog ang notification sa kanyang phone at agad niya etong binuksan. Bigla itong napatingin sa akin kaya bago pa magtama ang aming mata ay inilihis ko na ang aking paningin at nilagay na ang gamit sa kanilang storage.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All red but I'm actually colour blindWhere stories live. Discover now