Chapter 11

76 3 2
                                    

Agad akong nakita ni Ejay.

Tumingin lang siya sakin, tapos parang nag-debate pa siya sa isip niya kung igi-greet niya ako. Pero nanalo rin siguro yung pormal na pagtrato kesa sa rudeness niya, dahil kumaway siya sa akin at sinabayan ito ng pilit na ngiti.

Nginitian ko rin siya. Yung pilit rin. Kala niya siya lang.

Agad din siyang umiwas ng tingin.

'Ba. Sungit neto, ah.

Tumikhim ako ng malakas. Napalingon tuloy siya.

Pati yung mga tao malapit sa table namin. -__-"

"Kumusta?" pag-uumpisa ko.

"Okay lang," sagot niya.

"Ready ka na sa prom?" May ka-date ka na ba sa prom? Pero siyempre, hindi ko sinabi yun.

"Siguro."

Siguro? SIGURO? Anong klaseng sagot yun?!

"Ah, okay," sabi ko sa tonong parang bored na sa buhay. Nagsalita pa kasi ako, bwiset.

Awkward silence.

Nilabas ko na lang yung cellphone ko at nagtext kunwari kahit si 222 lang ang katext ko. Nakakatawa kasi ang awkward talaga. Muntik na akong pumunta sa counter para samahan si Drew na mag-order ng pagkain.

Muntik na.

Muntik-muntikan na.

Kaso tinawag ni Ejay ang pangalan ko.

"Triste-- Teng?"

"Hmm?" tanong ko. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko.

Tinitigan lang niya ako ng hindi nagsasalita.

Awkward silence ulit.

Ano ba, may sasabihin ka ba? Gusto kong isigaw sa kanya. Ang tagal ah!

Sobrang hirap pigilin ang sarili kong hindi sumigaw. Seryoso. Halos lagi kasi akong pasigaw magsalita. Pinanganak kasi akong may built-in microphone ang vocal chords.

Pero nakatingin pa rin si Ejay sa akin.

Tapos bumuntong-hininga siya at umiling. "Wala."

Problema ng taong to?

Tinaasan din ako ng kilay ni Ejay. Shet, nasabi ko yata ng malakas yun.

Eksakto namang dumating si Drew.

Galing talaga tumiming ng lalaking 'to, promise. Niyakap ko tuloy siya ng wala sa oras.

"O, o, teka lang! Hindi ko pa naibababa 'tong pagkain," natatawang sabi ni Drew.

Nakarinig kami ng pagkiskis ng paa ng upuan sa sahig.

Pareho kami ni Drew na napatingin sa table nila Ejay.

Kinuha ni Ejay yung bag niya at lumapit sa counter, kung saan nakapila pa rin yung babaeng kasama niya.

"Anong meron?" tanong ni Drew at ngumuso sa direksiyon nila Ejay.

Nagkibit-balikat lang ako.

Nagsimula na kaming kumain ni Drew, pero hindi pa rin bumabalik sina Ejay sa table nila.

Sumilip ako sa may counter at nakitang wala na sila.

Hala, sa'n nagpunta mga yun?

As if nabasa ni Drew yung isip ko, pasimpleng may tinuro siya sa likod ko.

At nakita ko sa salamin sina Ejay at si Kokak na paalis na ng KFC.

"Awww, umalis na sila," malungkot na sambit ko, sabay kain ng fries.

"Hayaan mo na, kumain na lang tayo. Gutom nako, shet."

"Pero aww pa rin."

"Ano ka ba. May bukas pa," sabi ni Drew at ngumasab ng fried chicken.

Tumawa ako nang mahina nung nakita ko siyang kumain. "Yuck, ang baboy mong kumain, Drew!"

"At para ka namang pusa kung kumain. Ilang fries pa lang nakakain mo? Isa? Dalawa?" balik niya.

Ngumiti ako. "Touche."

"Anooo?"

"Wala, ang ganda ko kako."

"Kain na!" at kumuha siya sa fries ko.

"HOY! Walang pakialamanan ng pagkain!"

Kumain na rin ako.

Pero nasa isip ko pa rin yung eksena kanina. Mukha kasing may sasabihin si Ejay kanina.

Ano kaya yun? Hay.

"Yung fries ko!!!" sigaw ko nang kumuha pa si Drew sa inorder kong fries.

Ang letseng lalaki, tumawa lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon