CMIIF 4

37 1 0
                                    

Josh's POV

Kainam naman ng klase namin. Ang boring sobraaaa. Don't get me wrong ha? Tinatamad lang talaga ako ngayon. Wala kasi 'yung mga ka-member ko eh. Tch. Pero atleast, andito si nerd. Pinagawa kami ng activity ng prof. kaya lahat busy kaka-sketch ng activity syempre pati ako kailangan gumawa din. Alam mo naman, dapat may talino pa din kahit na gwapo ako. Ano nalang sasabihin ng fans ko di'ba? Gwapo nga wala namang binatbat sa acads? Hell no, tsaka in-born kaya ang talino ko. Oh di'ba? Complete package? Gwapo, Matalino at Multi-talented? Ano pa ba'ng hahanapin mo sa isang katulad ko na almost perfect? Almost kasi wala naman talagang perpektong tao sa mundo di'ba? Syempre may pagka-humble din naman ako 'no?

Tch. Pagkatapos na pagkatapos ng klase hinanap ko kaagad si nerd. Aish. San naman kaya nagpunta yun? Gusto ko syang kausapin, gusto ko syang makasama gusto ko syang.. Ay! Wait. Hindi, gusto ko syang pagtripan. Bored na bored na'ko wala akong kasama. -.- nakita ko syang papunta sa old building. Ano nanaman kayang gagawin niya dun? Weird talaga.

Hinanap ko siya hanggang sa may narinig akong kumakanta. Ang ganda ng boses niya. Parang anghel na dinadala ka sa masayang lugar. Nakakainlove. Sino naman kaya yun? Mamaya ko na hahanapin si nerd. Pupuntahan ko muna kung sino 'yung kumakanta.

Papunta ako sa old garden kung san ko naririnig ung kumakanta. Hanga ako dahil ang galing niya. Magtatago sana ako sa likod ng bush para makinig pa ng matagal sakanya kaso namali ata ako ng hakbang at napakaluskos tuloy ako. Ayun, nagulat ko ata si Ate. Sumilip ako para makita sana siya kaso wala na siya. Ambilis niya naman tumakbo parang nakakita ng multo e. Nag-ala Flash.

Hayy, pabalik na sana ako para sa room kaso may nakakuha ng atensyon ko. Ipod. Mukang sinswerte nga naman ako oh, ngayon may paraan nako para mahanap ko siya. Pero pano ko naman kaya yun magagawa? Isip Josh. Isip. Gwapo ka. Mayaman ka. Sikat ka. Ay teka! Given na yun uhh. Isip ulit. Isip Josh. Yun! May idea din! Humanda ka Dyosa. Makikilala din kita. Soon. *smirks

Lara's POV

Hayyy. After a millennium.. natapos din klase ko. Err. Bored na bored na'ko. Asan na ba kasi si Nina? Hinanap ko siya na'ng makarating ako dito sa canteen at ni anino ng bruhang yun ay hindi ko mahagilap. -.- umupo ako sa kung saan may bakanteng upuan. Hinagilap ko ang bag ko para hanapin 'yung ipod ko kaso hindi ko mahanap. Asan na ba kasi yun? -.- biglang may tonong nagscreech sa speakers kung saan lahat ng estudyante ay nagulat at nakuha ang atensyon. For sure may announcement.

"Attention students!
This is Josh Canteros, the main vocalist of Outcast. I would like all of you to listen carefully."

Josh? Sino yun? Mukang popular ata siya dahil halos lahat ng tao dito sa canteen ay nagulat at nakikinig ng mabuti. Ang iba pa ay mukang kinikilig. Mahaharot! Nako.

"First of all, I found something in the Old Building which is an Ipod. Syempre, it doesn't belong to me and I don't know who it belongs to. That's why... I'd like to return this to the owner. And how would I Know kung ikaw nga ang may-ari? Syempre, I'd ask you questions about it to ensure that you're the owner. So I will be waiting at the lobby @ 4pm. See you owner. That's all. "

Ipod? Wait, hindi kaya... OMG! Sa akin ata yun. Buti may nakakita. Andun pa naman 'yung mga favorite albums ko. Pero hindi yun eh. Ibinigay sakin yun ng importanteng tao sa buhay ko kaya kailangan ko iyon mabawi. Aish. No choice. -.-

Paalis na sana ako ng canteen ng biglang.. "Hoy babae! Saan ka pupunta? Akala ko ba magllunch date tayo? Bakit mukang aalis ka, aber?" aniya ni Nina na kararating lang.

"Saan ka ba galing bruha ka? Kanina pa ko nagiintay malapit nakong amagin dito eh. Hayyy. I was about to leave. God, buti dumating ka!" sabi ko na may halong inis keme lang. Hahaha

Catch Me, If I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon