Chapter 2

41 13 1
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

AFTER taking a warm shower, I dressed myself in my comfortable pyjamas. Manipis na sando at shorts lang naman para komportable ako kapag natulog. Inabot ko ang roba na nakasabit sa labas ng banyo at siniksik ang smartphone sa bulsa ng roba. Pinatuyo ko na rin ang aking buhok bago magtungo sa veranda ng hotel room.

Malamig na ang simoy ng hangin sa labas at pulos ilaw mula sa mga gusali, sasakyan, at mga poste ang nagniningning sa paligid. Kahit na ilang palapag ang distansiya ng veranda ko sa ground floor, naririnig ko ang magkakahalong mga boses, mapa-bata man o matanda.

I looked at the sky, and I could hardly see the stars. I read it somewhere that it could be because of the air pollution. I was a little sad about it since I loved just silently staring at the sky as if I were in my little untouchable world.

I had always loved the stars in the sky. That was the only clear memory I had of my birth mother before she left me in my father's care. Her face had already turned blurry, but I still wish to meet her. Gusto kong marinig mula sa kaniya mismo kung bakit niya ako iniwan kay Papá at tama ba ang naging desisyon niya roon.

Pakiramdam ko, mas magiging masaya ako kung hindi niya ako iniwan sa Espanya . . . sa pangangalaga ng mga tauhan ni Papá. Kahit hindi na 'ko tanggapin ni Papá bilang legal na anak niya, mas pipiliin ko na makasama si Mamá. Kahit isang beses lang, gusto kong itanong kay Mamá kung naging tama ba ang desisyon niya na iwan ako. Tama ba ang naging buhay ko kung sa kaniya ako lumaki?

I shook my head as I felt my eyes getting warm and watery. There was no room for me to be emotional. I came here for a purpose . . . and I hope this trip will make sense for me. This wasn't just an adventure for me but a journey to complete the missing pieces of my distorted self.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking smartphone mula sa bulsa ng roba. Akala ko tumatawag si yaya ngunit may dumating pala na email mula kay Rome. My thumb immediately clicked on the notification to read his email.

***

From: Rome
Subject: Project CommuniKATE 1

Nice.

Sorry, got caught up with stuff and maybe we could talk again tomorrow? Hope that's fine.

Thanks.

Rome :)

***

I felt my shoulders dropped a little. He sounded nice but also appeared very busy. Siguro estudyante nga siya sa university na 'yon. I think that would be more accurate to assume.

Yes, it was just me having all these first impressions about a stranger I would only communicate with via email.

I wonder how old Rome was. Baka magka-edad kami o baka malakas lang din ang trip niya katulad ko na hindi pala estudyante roon at pumasok lang nang araw na iyon. Posible rin kaya na nagkita kami nang araw na iyon?

Sole Mate: JulietteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon