#84

884 68 26
                                    

Halos kalahating oras din ang tinagal ng byahe, kahit gabi na hindi parin talaga maiiwasan ang traffic. Itinigil ng taxi driver ang sasakyan niya sa mismong tapat ng club ni Dlar.


Pagkatapos ko lang iabot ang bayad ko sa driver bumaba narin ako, pagkatapos ng tawag kanina wala nang naging kasunod na tawag 'yun kaya medyo nag alala ako.




Bago ako pumasok sa loob, huminga muna ako nang malalim parang ngayon nalang kasi ulit 'to nangyari, papasok ako sa loob ng isang malaking club na mag isa lang. Nasanay akong lagi kong kasama si Wise eh.










Dahil masyadong malaki ang club nila Dlar kaya nahirapan ako sa pag hanap kung nasaan ba sila naka pwesto, pero buti nalang nakita ko agad si Dlar mukhang inaabangan din ako. Akala ko kasi pati siya lasing narin.










Dlar: "Sorry vee, naabala kapa tuloy!"

Vee: "Hindi naman, ayos lang! asan si wise?"

Dlar: "Andito, tara."








Sinamahan niya ako papunta kung saan sila naka pwesto, nang makarating nga kami doon ay nakita ko na si wise na nakayuko sa mesa habang hawak hawak ang cellphone niya.




Dlar: "Pagod siguro 'to kaya ang bilis malasing."

Vee: "Oo nga."







Lumapit na'ko kay Wise at dahan dahan ko siyang tinapik para magising.




Vee: "Hon?"








Para naman siyang nagulat nang magising siya at tumingin sa'kin. Medyo singkit pa ang mata niya, halata nga sa mga mata niya ang pagod.




Wise: "Ha..?"

Dlar: "Ayaw mag pahawak n'yan, kanina pa."

Vee: "Uwi na ta'yo?"

Wise: "Vee?.."

Vee: "Yes?"

Edward: "Si mamsh na 'yan, paps!"

Wise: "..si Vee nga."








Napangiti nalang siya at dahan dahang tumayo, kaagad ko naman siyang inalalayan nang mapansin kong medyo nahihilo pa siya.





Wise: "U-una na kami, ano. . Dlar! kai, ed, oheb, at kung sino pa kasama ko dyan!"

Vee: *chuckles* "Lasing na nga 'to."

Dlar: "Ingat tol!"

Wise: "Dlar."

Dlar: "Oh?"

Wise: "F*ck you ka."

Dlar: "Gago, inaano ka nanaman?"

Wise: "Sa'kin lang umiikot yung baso kanina, nahalata ko."

Kairi: "Labas ako dyan!"

Hadji: "Sira nga mga 'yan, ako naman next target ng mga 'yan."

Dlar: "Uwi kana, bawi ka nalang ssob!"

Wise: "Talaga."

Kairi: "Ingat!"

Vee: "Kayo rin, ingat kayo!"











Pagkatapos namin makapag paalam sakanila lumabas na kami, nagagawa na nga ni Wise na mag lakad nang daretsyo pero inaalalayan ko parin dahil marami siyang nainom.











Our untold story (One night Mistake S2)Where stories live. Discover now