Laugh

12 2 0
                                    

Gia's POV

"HAHAHAHAHA ano ka ba Arman, mabilis malasing yan si Direk Pat! Ilang beses ko na yan nakasamang uminom!!! Hahahahah.." halos hindi ko mapigil ang tawa ko habang hawak-hawak ang pang limang glass ko ng whiskey. Kasalukuyan kaming nasa balcony ng hotel na kung saan ay kitang-kita ang wedding party na nangyayari sa ibaba.. I'm with Arman at tulad ko, namumula na din ito kakatawa ng masaksihan namin ang pagkahulog ni Direk Pat sa pool area dahil sa labis na kalasingan. Mabilis naman itong tinulungan ng kung sino sa party . Imbes na mag-alala kami ni Arman sa kanya ay tawa na lang kami ng tawa at ng makita kami ni Direk Pat dito sa balcony na tinatawanan siya ay isang irap ang ibinigay sa amin kaya kami natawa.



"Grabe, ang lamig pa naman ng pool kapag ganitong gabi—— Direk Pat naman kasi, napasobra ng inom.." natatawang sabi ni Arman habang nilalagyan pa niya ng whiskey yung glass niya.



"Yari tayo bukas kay Direk Pat. Maalala kaya niya ang nangyari ngayon? O baka hindi na? Hahahahahahaha.."




"Hindi na? Hindi na niya makakalimutan yung nangyaring pagkahulog niya sa pool HAHAHAHAH.." tinapik ko sa braso si Arman para tumigil na ito sa pagtawa.



"Stop na! Iniisip ko kung may trabaho pa ba akong babalikan bukas—- baka masesante ako dahil —— pfff hahahah sorry Lord, hindi ko talaga kayang pigilan yung tawa ko—- pff hahahahahahah.." ilang beses kong pinaghahampas yung hita ni Arman. Magkaharap kasi kaming nakaupo sa magkatabing couch. Sapat na para makita ang overlooking na ganda ng dagat kung umaga—- sayang lang at gabi na at tanging buwan at bituin lang ang nakikita namin. Hindi ko talaga kayang pigilan yung tawa ko kasi tuwing pipikit ako ay naaalala ko yung slowmo na pagkahulog ni Direk Pat.


"Hey, namumula ka na. Hindi ko alam kung lasing kana or lasing kana.." rinig kong sabi ni Arman.



"Tisay kasi ako kaya namumula!" hirit ko dito. Then he smiled.



"Nakailang glass kana ba?"



"Hmmm—- Four, Five ? Sex—- I mean Six, di ko sure.." tangina Gia. anong Sex.. nauutal ka self! Why!! An awkward silence.. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Arman. Lasing na nga yata ako at kung anu-ano na ang sinasabi ko.
Ilang sandali lang ay kinuha ni Arman yung glass na hawak ko tsaka niya nilapag sa table. Tumayo ito tsaka niya inabot ang kamay ko. Tumayo na din ako tsaka hinayaan ang sarili ko na sumunod sa kanya..





"Ayoko pang bumalik ng room ko! Hindi pa ako lasing!" reklamo ko kay Arman habang naglalakad kami sa hallway ng hotel.





"Utang na loob, matulog ka na—- kung anu-ano na yung lumalabas sa bibig mo. Maaga pa tayo bukas babalik ng Manila!" natatawang sabi nito habang hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.



























Kasabay ng pagsarado ng pinto ay ito namang paglapat ng maiinit na labi ni Arman sa labi ko. Ito ang imaheng aminado ako na kanina pa naiisip ng utak ko.

Lunod ako sa init na likha ng pareho naming nag-aapoy na mga katawan. At dahil kagustuhan na ng buong katawan at kaluluwa ko ang nangyayari ay hindi na ako nagpapigil pa. Hinayaan ko na lang na lasapin ang sarap na dulot nito.

Kasabay ng pag-angkla ko sa batok nito ay ang paghawak nito sa hita ko at marahan niya akong inangat upang buhatin. Hindi mapatid-patid ang halikan hanggang sa dinala na niya ako sa kama ko. Naputol lang ang halikan at pareho kaming hingal ng inihiga niya ako doon. Tila nakikipag-usap ang mga mata nito sa mga mata ko—- tila ba nanghihingi ito ng permiso kung dapat bang ituloy. Pero bago pa man ito kumurap ay hinatak ko ang suot nito upang lantakan muli ang maiinit niyang mga labi na aminado akong—— tila magiging paborito kong pagkain.



























WANDA For YouWhere stories live. Discover now