37 | An Event

436 19 1
                                    

←----• 37 •----→

"An Event"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



"You shouldn't be here."

"You're awakening the demons."

"They'll be coming back because of you!"

"Go back to were you from!"

"You'll be the reason for our downfall!"

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Para akong mabubulag sa nakikita ko. Naguguluhan ako. Purong puti lang ang nakikita ko. Ni hindi ko alam kung may sulok ba itong kinalalagyan ko.

Muli akong napalingon-lingon ng makarinig ng mga tinig. Paulit-ulit at pare-pareho lamang ang isinisigaw nila. Lahat ng iyon ay sa akin ipinapatama, palagay ko, dahil ako lang naman ang naririto.

"Hindi ko alam 'yang tinutukoy niyo," sagot ko at pilit na hinahanap kung saan nanggagaling ang mga boses. Sinubukan kong lumakad at nakalakad ako. Ngunit ang sahig ay puti rin. Nahihilo ako sa paligid na kinaroroonan ko.

Nakakarindi rin ang paulit-ulit kong naririnig. "A-ano ba?! Tigilan niyo ko!" Napatakip ako sa tainga ko at napaupo. Lalong sumakit ang ulo ko dahil kahit na anong takip ko sa tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin sila.

Hindi yata sila galing sa paligid ko kundi sa isip ko mismo. "Ah!" Napasigaw ako sa inis.

"Miss? Miss!" Napabalikwas ako ng bangon at naghabol ng hininga. Biglang umikot ang paningin ko kaya muling bumagsak ang katawan ko sa higaan.

Nag-panic ang kung sino mang gumising sa akin at agad na tumakbo palabas ng silid kung nasaan man ako. Hawak ko ang ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo dahil sa sakit.

This is more painful than having a hangover, ugh.

Mayamaya ay may mga yabag akong muling narinig na papalapit sa akin. "Iha? Anong nararamdaman mo!"

"Y-yung ulo ko," ani ko at may butil na ng luha na pumatak sa mata ko. "Sobrang sakit. . ."

"Bigyan mo siya ng gamot para sa sakit ng ulo. Iyong kulay asul na likido."

"Opo."

Naaaninag ko ang ginagawa nila. Mula sa hila-hilang kariton ay kinuha ng babae ang isang bote. Naaninag ko ang kulay asul nitong laman. Parang umatras ang sikmura ko at natakot akong bigla ng inilapit ito sa akin.

"A-ayoko n'yan!" Pagpiglas ko kahit nanghihina ako.

Hindi na ako nakapalag pa ng may humawak na sa mga kamay ko at binuksan ang bibig ko. Napapikit na lang ako ng gumapang na sa dila ko ang malamig na likidong ipinatak nila hanggang sa nalunok ko ito.

"Samantha? Ano pong nangyari?"

"Miss Pell, nagising na siya pero ang sabi ng mag-aaral ko ay gumugulong daw sa sakit ang pasyente kaya naman dali-dali akong pumunta," sabi ng tinig ng isang lalaki.

Nanghihina na napahiga ako ng ayos. Hindi na masakit ang ulo ko pero parang lantang gulay akong nakahiga rito.

"Samantha? Anong nararamdaman mo? May masakit pa ba?" Nang buksan ko ang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Miss Pell. Hindi nito suot ang cloak ng akademya, nakasampay lamang ito sa braso niya.

"M-miss Pell, nasa'n ako?" tanong ko sa kaniya. Nang maidilat ko ang mata ay doon ko lamang paunti-unting naaaninag ang kinaroroonan ko.

Umupo siya sa kinahihigaan ko, "Nasa sentrong pagamutan ka. Pagkatapos mong mawalan ng malay, dinala ka sa clinic ni Miss Hart pero ang sinabi niya, mas maigi raw na rito ka dalhin dahil hindi na kakayanin ng mga normal healing potions doon ang panghihina mo. Kinailangan mo ng mas malakas ng potion para mabalik ang lakas mo," paliwanag niya.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now