MAXSPAUN MOON : PART 8

163K 4.4K 4.2K
                                    


CHAPTER 13 : MAXSPAUN MOON PART 8

"MALI." WALANG kasing istrikto si Heurt. Nakakunot ang noo, magkakrus ang braso at pantay ang tindig.

Sinulyapan niya si Maxspaun na tumuwid ng tayo at nakangusong lumingon sa kaniya. Nagbuntong-hininga ito at nilingon ang tudlo bago nakamot ang sariling noo.

Lumapit si Heurt. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang apo at hinarap sa tudluan na may limang dipang layo. Dinampot na muli ni Spaun ang armas at pumostura.

"Sentido. Leeg. Dibdib, Spaun," mahinang ani Heurt, malapit ang mukha sa pagitan ng tainga at balikat ng apo.

Ang kaniyang paningin ay tumatagos mula sa dulo ng laruang baril nito hanggang sa tudluan na siyang patatamaan ng bata.

"Ang mga 'yon ang tinuro ko kaya natural lang na iyon ang dapat mong tamaan," dagdag pa niya. "Ulitin mo."

Wala ring kasinghigpit si Heurt. Hindi niya talaga tinitigilan ang apo hangga't hindi nakikitang tama ang ginagawa nito. Hindi sapat sa kaniya ang makontento lang. Gusto at kailangan niyang makitang tama ang lahat ng ginagawa at kilos ng bata.

Tutok sina Maxpein, Deib Lohr, Maximor, Maze, Maxwell, at ang cheotjae sa dalawa habang nag-eensayo. Ngunit hindi para manood lang. Pare-pareho nang handa ang mga itong umabante para awatin si Heurt sa paghihigpit sa bata. Si Yaz ay nagpresintang magluluto na lang kasama ang mga yaya ng kambal. Hindi nito kayang tingnan ang ineensayo ng maglola.

"Mali," muling sita ni Heurt. "Mali." Hindi pa man tumatagal, nanita na uli siya. "Mali," muli pang aniya kasabay nang mabigat na buntong-hininga. "Tsk, mali, Spaun, mali 'yan."

Lumapit a si Heurt, hinawakan ang laruang baril ni Spaun at ibinaba 'yon kasabay ang kamay ng bata.

Dumampot ng laruang baril si Heurt, mas mahaba kaysa gamit ni Spaun. Saka siya tumindig sa tabi ng bata nang hindi inaalis ang tingin dito.

"Sentido," kinalabit ni Heurt ang laruan na tumama mismo sa sentido ng imahe sa tudluan. "Leeg," inulit niya ang ginawa nang nakatingin pa rin kay Spaun. "Dibdib."Wala siyang mintis.

Nilingon ni Spaun ang lola. "Woah..."

"Woah?" iritableng panggagaya ni Heurt. "Mali ang lahat ng ginawa mo." Talagang pinaaalala niya 'yon sa bata. "How many times do I have to explain, and show it to you?"

"But I'm too small for this. I can't hit the target, lola, because it's too high for my height," reklamo ni Spaun.

"You complain too much, kid," nangunot ang noo ni Heurt. "Then tell me what's going well for you?"

"A step stool would be helpful."

Bumuntong-hininga si Heurt, nakatitig sa bata. Gusto niya itong pagalitan pero siguradong hindi niyon mababago ang sitwasyon. Lalong hindi uubra ang galit niya dahil mukhang hindi naman takot ang bata sa kaniya. Talagang may hindi ito makuha, may kung anong pumipigil dito na matutuhan iyon. Siya ang kailangang mag-adjust, kung kinakailangang mag-isip siya ng ibang paraan, o ng tutulong, gagawin niya. Makuha lang ni Spaun ang parteng 'yon ng ensayo.

Binalingan ni Heurt si Deib Lohr. "'Oi, step stool for your kid."

Sinulyapan ni Heurt ang tudluan. Mahigit apat na oras na nilang ginagawa ito. Sa dami ng magagandang pinakita ni Maxspaun nang nakaraang ensayo, in-assume niyang magiging madali para sa kaniyang turuan itong bumaril. Dalawang linggo na silang nagsasanay. Noong mga naunang araw, maayos itong natuturuan sa tamang paghawak at paggamit ng laruang baril. Mabilis nga nitong nasaulo ang pangalan ng mga armas, pagkalas at pagkabit ng parte at magasin niyon. Kung ano-anong akrobatiko na rin ang nagagawa ni Spaun habang hawak, pagtutok at kunwang pagpapaputok, lahat perpekto na nitong nagawa.

MWhere stories live. Discover now