Chapter 23: Better Off You?

720 23 11
                                    

Chapter 23: Better Off You?

[A/N: Sorry po sa late update as in SUPEEEEEEEEEEEER late update! Sorry po talaga. 4 months akong hindi nakapag-update. Sorry po! Due to sobrang daming reasons. Sorry, sorry! Pero thanks pa rin po sa mga walang sawang nagmemessage, nagvovote at nagcocomment. :D ~Blue]

[Mikko’s POV]

Ako magdadrama? Iiyak? Madedepress?

Wala yata sa bokabularyo ko ‘yan!

Pero..

This can’t be happening.

Hindi pwede.

Kahit gustuhin ko mang hindi maisip ‘yun.. Talagang pumapasok pa rin ‘yun sa isip ko. Ano ba! Kung pwede lang maghire ng security guard sa isipan, kung pwede lang may gate ang isipan at kung pwede lang na may “No ID, no entry” policy ang isipan. Eh kaso wala. Nebeyen! =___= Nagtetrespassing na ‘to sa isipan ko at nakakaasar na ah.

Kung pwede lang ‘wag isipin.

Kung pwede lang iwasan.

Kung pwede lang takasan.

“Hoy Mikko, ano bang nangyari?” ba ang tanong nyo?

Kasi ganito ‘yun.

“Mikko, we need to talk.”

“What for? Papagalitan mo nanaman ba ako? Didiktahan? Sesermonan?—“ suntukan nalang kaya?!

“Mikko! I’m still your mom.”

Oo, my.. mom. Who was never really my “mom”.

My mom who never appreciated my presence. Siya lang ang kaisa-isang babaeng hindi nakakaappreciate ng kagwapuhan ko! Syet diba! Pero seriously, yes.

“You are.. what?! My mom? C’mon?! Kailan pa? Such funny joke! Tatawa na?”

“Mikko!”

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalabas dito sa isang dull restaurant kung saan nya ako pinatawag.

Alam ko sa likod ko ay hinahabol nya ako. Tsss. Ano nanaman ba sasabihin nya? Na aalis siya? Iiwan nya ako? Naaa, as if hindi ako sanay. Na ano? Sasama na sya dun sa lalake nya? Na buntis sya? HAHA, as if mabubuntis pa sya sa tanda na nya! >_____<

Hindi na ko interesado pa. I’m independent enough. Kaya ko na kahit na..

Wala silang dalawa ni Dad.

Palabas na ako nang makasalubong ko ang isang familiar na lalakeng mukhang pinaglihi kay Bakekang, parang nawawalang anak ni Ugly Betty at Mr. Bean at higit sa lahat kamukha nung gago kong ama.

Siya nga! Akalain mo ‘yun.. Lalo syang pumanget! XD Gurang na talaga ‘to! Tatay ko ba talaga ‘to? Eh ba’t ang gwapo ko? Dinonate nya ba lahat ng kagwapuhan nya sa akin? Sayang naman. Sana naman nagtira siya ng konti para sa sarili nya. :p

“Mikko..”

Nilapitan nya ako at tumingin ng masama sa akin. As usual. -___-

“Long time no see.. Dad?” I grinned.

Pinatong nya ‘yung kamay nyang puro kulubot sa balikat ko.

“Gabi na, uuwi na ko. May sasabihin kayo? Ah. Sorry pero, I’m not interested.”

Tinabing ko ‘yung kamay nyang puro kulubot at lalabas  na sana ako..

“Ituloy mo lang para si Vincee Fordoval ang magbayad ng ‘yan!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Make Her CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon