Prologue

3 0 0
                                    

"Gago, ginagawa mo?" Iritang sabi ni Yol.

"Luh, hindi ba ganito? Tinanong ko kay Kris, tama naman daw. Ikaw ang mali." Pag taas pa ng kilay ko.

"Magpapagupit ako pag mali ako."

Talaga, "Pakalbo ka," inis na sabi ko pabalik.

Ano bang pinag tatalunan namin? Edi paggagawa ng questionnaire sa research.

Wala akong magawa kundi umirap sa hangin.

Maayos akong lumapit sa kaniya para mag patulong gumawa ng survey questionnaire na gagamitin namin sa research. Oo, yes, groupmate ko siya. Ang nakakairitang taong 'to.

Guwapo sana eh, crush ko siya simula first day ngayong second sem, pero nakakainis ang ugali niya!

Nasa kaniya na lahat.

Ng ugaling ayaw ko sa lalaki!

Makikipag argumento pa sana ako pero narealize kong mali nga ang pagkakaintindi ko sa sinabi ng Professor namin.

"Ahh, okay, gets ko na," manghang sabi ko. Kaya ko naman siya naging crush kasi matalino siya e. Pero edi okay, tama siya. Pero bakit niya pa ako sinabihan ng gago?

Masakit kaya.

Crush ko pa naman siya ngayon, pero wag na lang! Duh. Hindi naman ako ganon ka-bobo, I mean, oo, bobo ako, pero wag mo na lang iparamdam lalo!

I don't need someone like that. Kainis!

"Tama ako," pagyayabang nito.

"Okay." Padabog kong isinara ang aklat ko at bago pa man ako makaalis, inirapan ko ito.

Iniwan ko siya sa garden.

Nakakainis talaga ang mga lalaki!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Threw LoveWhere stories live. Discover now