Flower Reblooms

97 10 7
                                    

"What are you saying, Chatterley?" you asked with a shaky voice.

I am preventing my tears to fall and looking at his eyes straightly as if I am eager and decided.

Sorry, Diether. This is the only way I know to make you happy. Konting tiis lang, Die. Sa umpisa lang tayo masasaktan, pagkatapos nito magiging mas masaya ka na. Makakahanap ka na ng mas better sa akin. 'Yong kaya kang ipaglaban, 'yong kaya kang panindigan, at higit sa lahat, 'yong kaya kang ipagmalaki sa magulang.

Tumalikod ako at nag-umpisa nang mag-init at manlabo ang mga mata ko. My tears have fallen because of this lie that hurts you the most. Last na ito, I promise to you.

"H-hindi na kita mahal," I said and my heart was like a bomb. Pakiramdam ko sumabog ang puso ko at walang tigil ang pagdugo.

Mahal pa rin kita. Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo, pero hindi na pwede. Hindi ko kayang sabihin sa'yo na wala na tayong pag-asa, na hindi ka naman talaga gusto ng magulang ko para sa'yo. Araw-araw kitang ipinaglalaban sa kanila pero sila pa rin ang panalo. Sinasabi kong busy ako tuwing tumatawag ka pero ang totoo, kaharap o kasama ko sila at alam kong ayaw nilang nakikitang kausap kita kaya kahit nakikita ko ang pagliwanag ng cellphone ko dahil sa tawag mo ay hindi ko magawang sagutin. Nasasagot lang kita tuwing gabi pagkapasok ko ng kuwarto at bago tayo matulog. Hindi ko kayang sabihin sa iyo na mahal pa rin kita kasi alam kong hindi ka pa rin susuko. Ito lang ang paraan para lumaya ka na. Hindi ka na sa akin. Pero ang puso ko, nasa'yo pa rin. I love you, and I will always do.

Nagsimula na akong maglakad habang pinipigilan ang mga hikbi ko. Malabo ang nakikita ko dahil sa mga luha ko.

"Chat, please.." I heard you say with a plead in your voice. Hindi pa rin ako lumingon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nakarinig ako ng isang suntok sa pader at lalong naninikip ang dibdib ko.








Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko bago pinihit ang door knob ng bahay.

"Chatterley, where have you been?! Don't tell me nakipagkita ka nanama-"

"Wala na po kami," I said, cutting my mom off and smiled at her sadly.

Saglit na natigilan si mama bago nagsalita. "K-kumain ka na."

I shook my head. "Akyat na po ako sa taas." Nilagpasan ko si mama nang makasalubong ko naman si papa na may hawak na tasa. Ngumiti lang ako ng pilit at saka na nagtuloy-tuloy sa kwarto.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at doon ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Itong mga oras na ito ay tumatawag ka na. Tinignan ko ang cellphone ko, nagbabaka-sakaling kausapin mo ako pero walang missed calls. Lalong bumuhos ang luha ko. Siguro nga napag-isipan mong sawa ka na rin sa lahat ng mga pagkukulang ko noong tayo pa. Siguro nga sawa ka na sa mga excuses ko at sa mga limitations ko. Siguro nga sawa ka nang hintayin at intindihin ako. Wala na akong magagawa, wala ka na. Wala ka na sa akin. Hindi ka na sa akin.

Iniyak ko lang buong gabi ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ka naman kawalan, e. Ako naman ang nang-iwan kaya huwag kang mag-alala, ako ang magdadala nitong bigat at konsensya habang buhay. Masakit man pero magiging masaya rin ako, kapag masaya ka na.

Gabi-gabi akong umiiyak. Balak ko sanang burahin ang lahat ng mga pictures natin sa gallery ko. Pati 'yong mga videos na puro kakulitan lang naman. Tuwing umaga naman ay hindi ako nag-aalmusal. Hinihintay kong pumasok sina mama at papa sa office bago lumabas ng kuwarto. Ayaw kong ipakita sa kanila ang mga maga kong mata dahil pag nagkataon, susumbatan lang naman nila ako.

Narinig kong may kumatok sa pintuan at bahagyang sumilip si Shana, which is my bestfriend. "Hi," I greeted her as I try to smile at her while I'm eating junk foods in front of our TV.

Flower RebloomsWhere stories live. Discover now