______Chapter 2_______

5 1 0
                                    

"Malamang sa malamang, hindi ka nila magugustuhan"..



October 4, I2010, araw ng pasukan sa Howard National Academy. Second quarter na nang

3rd year high school ako at transferee lang ako dito dahil hindi na si nanay lang ang sumusuporta sa akin. Kahit ang tatay ko ay nagtatrabaho at nagpapatuloy na sa kanyang career. Kaya nag-level up na ako ng papasukan. Kinakabahan ako dahil naaalala ko yung nangyari noong unang pasok ko sa elementary at sa unang high school na pinasukan ko..

.

"ah kawawa walang tatay. Ah kawawa. Bading ka ata eh.. Yung tatay mo nang-iiwan!. Wala ka palang kuwenta." yun yung mga salitang naipon nalang sa isip ko. Kaya pala maraming nagsasabing; "Rondalia, kaanu-ano mo yung mga basketball player na si Stan lee (si tatay) at yung anak niya na si Stephen Rondalia?!.(si kuya)" ang sagot ko nalang; "yun po ba?!. Hindi ko po iyon kaanu-ano.."

.

May exciting bang nangyari sa mga school years ko noon? Wala ata.

.

.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Tingin ko kasi walang papansin sakin dito ni isa. Sobrang pangit ng ugali ng mga tao dito. Pasosyalan ang labanan.. The more na mayaman ka, the more din na makakakuha ka ng mga clubs and groups na puwedeng salihan, magkakaroon ng mga kabarkada. Pero, bago pa ako makapasok sa pasilyo ng paaralan,..

"woooww! Si Steven Blaze Rondalia!. Anak ni Stan lee?!. Magaling karin siguro dumakdak!.. Ay, ako nga pala si Timothy Santiago. 3rd year section A rin ako at magkaklase tayo. Tagahanga ako ng tatay mo!."

akala ko wala nang mga taong nakakakilala sa tatay ko.. Yun pa pala yung dahilan kung bakit ako makikilala dito.

"basketball player karin diba?! At magaling karin siguro.".. Wala na akong oras para makapagsalita dahil...

.

.

Rrriiiiiiiinnngggg!!

.

.

Pasukan na pala. Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis para pumasok sa kuwarto namin nang bigla kong nakabangga ang isang babae. Tumilapon ang mga gamit niya dahil sa pagkakabangga ko sa kanya. Nadaganan niya ako at ayaw ko namang tumayo agad at itulak siya. Kaya hinintay ko nalang na tumayo siya. Nakakahiya kasi maraming nakatingin samin. At parang walang nangyari, yung mga tao nagsi-alisan na agad. Wala man lang tumulong.. Sa isip-isip ko lang.., Ano ito walang manners?!.

.

.

"ah, sorry po!.." Sabi nung babae sakin. "sorry din kung nasaktan kita!.. (In a nice voice)."

"Buti ka pa nagso-sorry kapag nakagawa ka ng mali sa iba. Marami kasi dito, even yung boyfriend ko hindi nagso-sorry eh." sabi nung babae. "ano nga po pala ang pangalan mo?!." -" ah.. Ako nga pala si Steve. .Steven Blaze Rondalia.. Third year section A. Trensferee lang po ako. Ikaw, anong pangalan mo?"

-"Ako si Annie. Anica Ferrer. Third year ako, Section A rin at ako rin po ang vice-president ng School Student Government."..


-"oo nga pala, anong oras na. Sige, punta na tayo sa room."


Sa madaling salita, hindi ako tumama sa akala ko. Mayroon palang magandang mangyayari. At maganda rin ang tugon sakin ng hindi lang isa, o ng dalawa, kundi halos lahat ng mga kaklase ko. Kahit sino naman kasi siguro, mas gugustuhin ang maging kabilang sa grupo, sa klase at sa mga kaibigan at hindi maging out of place kaninuman..


"RELATIONSHIP is just like BASKETBALL?!.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon