Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)

330 9 2
                                    

Ganadong kumilos si Klay ngayong umaga.
Madali niyang tinapos ang kanyang mga gawaing bahay upang maagang makapaghanda sa gaganaping piging kasama ang magkasintahang Crisostomo at Maria Clara.

Isa pa, excited syang makita si Fidel.

Ngayong gabi ay bibigyan pagkakataon niya ang mga inililihim na damdamin patungo sa lalaking nagtapat ng pag-ibig sa kanya.

Tinulungan siyang magbihis at mag-ayos ng babaeng kasambahay. Nang matapos ay nagtungo sa siya sa kung tawagin nila ay sala de estar kung saan naghihintay sa kanya si Crisostomo Ibarra.

"Mukang hindi nagkamali si Maria ng piliin ang kasuotang iyan para sayo Binibining Klay. Bagay na bagay saiyo."
"Maraming salamat Sir Ibarra. Ikaw rin naman po eh, Pak na pak ka rin Sir."
"Pak..na pak? Ano na naman ang ibig sabihin ng iyong winika Binibini?"
"Hahaha ang ibig sabihin lang nun ay napakagwapo nyo rin Sir. Tara na ho? Excited na po akong makita si tukayo para makapagpasalamat sa kanya."

Dinaanan muna nila si Maria Clara sa tahanan nito bago tumungo sa mismong lugar ng okasyon. Nakapag-usap muna silang dalawa sa loob ng karwahe habang bumabyahe papunta sa lugar.

"Maraming salamat pala dito sa bigay mong regalo saakin Clarita. Sobrang ganda talaga. Baka mamihasa ako nito sa mga binigay nyo saakin eh sa totoo lang." Wika niya sa Dalaga.
"Tukayo, walang anuman. Wala yan sa dami ng tulong at suportang ibinigay mo akin at sa relasyon namin ni Crisostomo. Maraming salamat din sayo Klay."
"Naku, naluluha naman ako, wag tayong mag-iyakan at baka mahulas yung kagandahan natin. Sayang."
Pagbibiro nila sa isat-isa.

Nang makarating ay nagpaalam sandali ang magkasintahan sa kanya pagkat may mga tao silang kailangang kausapin patungkol sa kanilang kasal kung kayat hinayaan na niya ang mga ito.

Naglalakad lakad na lang muna sya sa hardin, patingin tingin sa kagandahan ng nakamamanghang lugar.

"Ang bongga naman ng mansyon na'to. Malacanang of the north ang peg. Sobrang lawak saka itsurang mayaman talaga . Ang swerte ng magiging kaapo-apuhan ng may-ari nito. Sana all na lang talaga."

Bulong niya sa sarili pagkat talaga namang nakakamangha ang ganda ng hardin at istraktura ng bahay na bato. Pumasok si Klay sa loob ng bahay ay mas nabighani pa sya sa mga nakita.

"Ay grabe ang interior design. Apakatalented ng gumawa dito."
Wika niya sa sarili.

Sa paglilibot ng kanyang paningin ay nahagip ng kanyang mga mata ang lalaking laman ng kanyang isipan at kanyang panaginip sa mga nakaraang gabi.
Napangiti siya. Kahit sa malayo ay kitang kita ang kagwapuhan nito.

"Grabe, pang artista yung kagwapuhan nito ni Fidel. Gawd. Ang sarap papakin... Huy Klay! Ano kana! Usap lang plano natin kagabi di ba? Bat biglang nagjump into pagpapak kay Fidel?"

Iniling iling niya ang ulo para ipagpag ang mga kalokohang pang rated SPG sa utak nya at napagpasyahang lapitan na si Fidel pero nakakadalawang hakbang palang sya ay napahinto na siya sa kanyang nasaksihan..

May lumapit na isang nakakabighaning dalaga kay Fidel.
Masaya at nakangiting bumati sa kanya. Mestisa, maganda at matangkad.
Masasabi mong nanggaling ito sa isang mayamang pamilya dahil ang bongga ng kasuotan nito. Elegant and sophisticated ang mga detalye sa bawat burdang makikita sa tela ng saya.

"Ginoong Fidel."
Tawag nito sa binata
"Buenos tardes Binibining Josephine."

Josephine?
Isip ni Klay. May Josephine ba na character dito sa loob? Di ba jowa ni Rizal yun si Josephine? Ano nga ba ulit apelyido nun?

Nagtago si Klay sa likod ng isang poste ngunit hindi niya niya masyadong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Dumating na sa aming tahanan ang mga bulaklak na iyong sinasabi.."
Rinig niyang salita ng magandang dalaga
"Ah mabuti naman, masaya akong malaman iyan.."
Tugon naman ni Fidel.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now