He

8 1 0
                                    

She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh.
If you are falling down, she will be right there to pick you up.
Sheis the one that always says sorry, even if it's not her fault.
Even if she is feeling like the scum of the earth,
She will never let you know.
This is the girl who is afraid of love,
Because she has already lost so much.

HE

Nakita ko na noon kung paano ka umiyak sakanya...
Kung paano ka masaktan...
Ipinangako ko sa sarili ko noon na mamahalin kita higit sa pagmamahal na ibinigay niya...
Pero paano?

Nakikita ko ang mga takot sa mata mo.
Sinabi mo pa nga noon... "Natatakot na akong magmahal" gusto ko sanang sabihin na wag kang matakot, nandito ako para mahalin ka. Pero natatakot akong sabihin sayo yan. Kasi sabi mo.. "Hindi na ako magmamahal... " natatakot akong ireject mo. Natatakot ako na pag sinabi ko sayo matulad tayo sa nangyari sa inyo. At yun ang bagay na ayaw kong mangyari.

"Shane, okay ka lang?" Tanong sakin ni Kyle

"Oo naman, ba't mo natanong?"

"Kasi kawawa naman ang jollyhotdog sayo." Napansin ko nalang na pitpit na yung jollyhotdog.

"Ah may iniisip lang. Tara uwi na tayo. Bukas pala may practice tayo kasi sa sabado kay gig tayo sa restobar ng kaibigan ko nung highschool"

Dumating na ang Sabado at may gig kaming pupuntahan.

"Shane!" Pagtawag sakin ni Kev isa sa kaband member namin.

"Yes?" Sabi ko naman habang naghahanda para sa gig.

"Naaksidente siya" naiiyak na sabi ni Kev habang may hawak na telepono

"Sinong siya?" Kinakabahan naman na tugon ko

"Shane, si Kyle naaksidente, yung sasakyan na sinasakyan niya kanina nabangga ng truck at tumaob yun." Pagkarinig ko nun agad namin pinuntahan yung ospital na pinagdalhan sakanya.

Hold on Kyle... Di ko pa nasasabi... Di ko pa naipaparamdam... Kung gaano kita kamahal. At ayokong mamatay ka na hindi mo nalalaman na higit pa sa pagkakaibigan yung nararamdaman ko sayo. Kasi Kyle handa na akong ipaglaban ka. Hindi na ako matatakot na mareject, di na ako matatakot na baka masaktan ka na naman kasi ngayon palang gagawin ko ang lahat ng paraan para di ka masaktan, sumuko at lumayo sakin...

I'm afraid (short story)Where stories live. Discover now