HIMLAY

8 1 0
                                    

HIMLAY

Siguro yung pagod na nararamdaman ko umabot na sa sukdulan
Tipong maski sarili ko ay hindi ko na matulungan
Motibasyon sa paligid ay hindi ko na kaya pang pakinggan
Mga awa sa tingin nila'y hindi ko na matingnan

Pilit ikinukumpara ang ngayon sa nakaraan
Umaasang may pag-unlad na nakamtan
Ngunit walang ibang masilayan
Kundi ang pagod na hindi man lang naipahinga ni minsan

Nakakatakot mapagod ng sobra
Dahil baka pati paghinga ay ikapagod ko na
Ngunit mas nakakatakot yatang magpahinga
Dahil baka magtuloy-tuloy na

-
s o u l s c x n t e n t
03|15|23|W

My Soul's ContentWhere stories live. Discover now