Chapter 8: Punishment?

117 9 0
                                    

Update lang sa ginost kong story hahaha

Syphere's POV

BORING....

that is the only thing I can think right now... Andito ako ngayun sa isang silid walang kausap maski isa, hindi na pinayagan ni Ara at sir Zorous na bumisita ang Callisto dito, dahil kailangan ko daw mag pahinga.

Si liezure naman ay hindi ko pa nakita simula ng matapos ang pag sasalin ng kapangyarihan at pag Tanggal ng lason sa aking katawan kanina.

Nasira lamang ang tahimik ko na pag iisip ng marinig ko ang katok mula sa pinto. Hindi na ako naka tayo dahil kaagad rin naman iyong bumukas.

Ang seryosong pag mumukha ni Ara ang kaagad kong nakita. May dala itong pagkain na nakalagay sa tray. Marahan lang itong nag lakad papunta sa akin bago nilagay ang dalang pagkain sa gilid ng lamesa.

"kailangan mong kumain.."

Umupo ito sa tabi ng kama kaya medyo napausog ako. Hindi Nito Inaalis ang kanyang paningin sa akin medyo nailang ako kaya kinuha ko nalang ang pagkaing dala niya.

Habang abala ako sa pagkain ng bigla nalang itong nag salita.

" sabi ni papa hindi mo pa Alam ang iyong panloob na kapangyarihan...dapat nasa Elara ka. Bakit sumabay ka sa training ng Callisto?" she asked firmly

"m... malay ko kay san goku- I mean Liezure."

She lift her brow. Napalunok naman ako ng kinakain ng wala sa oras.

"naitanong ko na iyon sa kanya..may gusto lang sana akong hilingin sayo" Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba.

"ano yun??"

Luminga-linga ito sa kanyang paligid. Sinisigurado na walang ibang may makarinig sa amin. Nilapit nito ang kanyang hintuturo sa noo ko. Hindi kaagad ako nakagalaw. Maliban sa maliit na liwanag na nasinagan ko, wala na akong ibang nakita o naramdaman.

"layuan mo si Liezure"

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "si Liezure??bakit? May ginawa ba ako?"

"you did nothing... Gusto ko lang na layuan mo ang kapatid ko. Hindi man sa ngayun pero..balang araw, ikaw ang magiging sanhi ng kanyang kapahamakan."

"Pero... Siya ang inatasan ni Guro mag training sa akin. Hindi ko magagawa yang sinasabi mo!"    masama nito akong tinignan. Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin.

"Do It before I do it myself"

"p..pero Ara" he smash the small table beside my bed. Napapikit ako sa gulat. "I'm done talking here. Leave him alone." tumayo ito bago ako tinalikuran. Pero bago pa man nito buksan ang pinto ay may sinabi pa ito.

"don't let anyone know about this shitty talk of ours Syphere." she  give a me warning look and leaved the room Napalunok nalang ako.. I think mas nakakatakot si Ara magalit keysa kay Liezure.

Actually wala naman talaga akong problema na hindi kausapin si Liezure. Kahit buong taon pa nga okay sa akin eh. Mas mabuti na nga yung hindi.

Phrygia Academy (BL) Where stories live. Discover now