First Love (Destiny) ♥♥

480 1 3
                                    

Naniniwala ba kayo sa destiny? yung tipong naging kau na dati tapos hindi mo ineexpect na magiging kayo ulit? na magkikita pa pala kau kahit di mo na ineexpect na makitang muli sya. hmm nang yayari naman yan d ba? 2nd chance sabi nga.. well i have a short story to share bout that .. nang yari to sa school.  First Year Higschool pa lang sila nung nag kakilala sa totoo lang yung kaibigan nung lalake ang may gusto kay babae anjan yung kanchawan kapag dumadaan yung girl sa room nila tatawagin nya si pangalanan na lang nating Juan .. at ang babae ay si rose.

Sa corridor:

" dumaan si Rose sa room nila kasama ng mga kaibigan nya ..

Kaklase 1: Uy juan si rose ayan dumaan

Mga Kaklase: uy .. uy ... ( kanchaw nila .. )

Syempre napapangiti na lang si rose at kinakanchawan na lang din sya ng mga kaibigan nya.  Isang araw habang nasa Field sila rose kasama ng mga kaibigan nya may natanggap syang sulat kinuha nya ito at binasa kasama ng mga kaibigan nya.. sabi sa sulat na matagal na nyang " crush " si rose at nag tatanong sya kung pwede nya itong ligawan. pero sa hindi inaasahan ibang name ang nakalagay sa sulat hindi yung name ni Juan kundi pangalanan na lang nating " Pedro ". Pagkatapos nya itong mabasa sabay kanchaw ng mga kaibigan. hindi alam ni rose ang gagawin dahil first time lang nya na makatanggap ng sulat.  

Mga kaibigan : Sagutin mo yung sulat rose ( udyok ng mga kaibigan )

Rose : Ha?! anong sasabihin ko? d ko lam ang sasabihin ko

Mga Kaibigan : kaming Bahala

Rose : okay bahala kayo

" Matapos nilang basahin ito hinanap ng mga kaibigan ni rose kung sino ang nag bigay nun letter na yon nag punta sila sa classroom at sinabi.  Sino si Pedro? tanong ng mga kaibigan ni Rose.  Eto! turo ng mga kaklase ni Pedro. nang makita nila ito sabay alis nila at sinabi kay Rose na nakita nila ang nagbigay.  Lunch break na at nag kayayaan sila rose at ang mga kaibigan nya na dun mag punta sa bahay ng kaibigan nila upang gawin ang sulat .. Pag katapos ng masayang kainan nila nag umpisa ng gumawa ng sulat ang mga kaibigan nya .. nag handa ng isang stationary ang isang kaibigan nya at inumpisahan na nila itong sagutin .. walang kaimik - imik si rose nun pinapanood lang nya ang mga kaibigan nya habang ginagawa ang sulat na sagot para kay Pedro,  Sinabi ng mga kaibigan ni rose sa sulat ay tinatanggap ni rose ang panliligaw ni pedro sa knya at magkita sila after ng klase. matapos nila ito .. nag ayos na sila upang bumalik ulit sa school.  bago sila pumasok ay inabot muna ng mga kaibigan ni rose ang sulat para kay Pedro. at dun nag umpisa na nman ang kanchawan ng buong tropa at ng mga kaklase ni Pedro.  Matapos basahin ni Pedro ang sulat ni rose may isang nag punta sa classroom nila rose at sinabi na magkita nga daw sila after ng klase.  Syempre nag kanchawan na naman ang mga barkada ni Rose.. si Rose ngumingiti lang ..

" Matapos ang klase nag ayos ayos muna sila nag suklay, nag powder bago lumabas ng classroom.. sa labas pa lang ng classroom nila ay nakaabang na pala si Pedro kasama ni Juan. si juan ay yung may crush talaga kay rose.  nagkita sila at nag kahiyaan hindi makapag usap .. pero andun pa din ang mga kaibigan ni rose dahil ayaw nga mag paiwan ni rose kaya kahit san mag punta sila rose at pedro ay nakasunod pa rin ito at ang knyang best friend na si Lorna.  Hindi nila alam kung san sila mag uusap kaya napag pasyahan nila na sa may library sila mag usap .. 

" Umakyat sila papunta sa Library at dun nag usap .. nag kwentuhan about sa sulat.. sinabi ni Pedro na hindi sya ang gumawa nun kundi si Juan sya lang ang pinangalan .. nagulat nga daw sya kase may tumawag sa pangalan nya at hinahanap sya yun pala sya yung nakalagay sa sulat.  naintindihan nman yun ni Rose at nag kakilan lan sila .. pag katapos nila mag usap hinatid na ni Pedro si Rose sa mga kaibigan nya .. upang umuwi na .. pag katapos nun sunod sunod na ang pag kikita at pag uusap nila .. sa may Library ang meeting place nila .. 

First Love (Destiny) ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon