Chapter 24 - I'm still the winner.

234 20 0
                                    

"Get Ready, Participants!"

Sobrang lakas ng sigawan sa buong bulwagan na ito, mayroong labing limang section ang maglalaban laban dito. Hindi ko pa nakikita ng lubusan ang lahat ng mga kalahok dahil masyado pa ngang maaga. Maingay na ang iilang mga sound system ganun din ang mga emcee for this competition, ready na rin ang mga computer na nakatapat sa silya na uupuan ng mga maglalaban.

"Go, Ate!" Napahinto ako sa pag tungga ng tubig ko mula sa tumbler dahil sa sigaw ng kapatid ko na nakikipag dagsaan sa mga tao.

Kumaway ako at ngumiti ng matamis, pilit ko siyang hinahanap ngunit na dadag-anan na siya ng maraming tao. Nawala ang ngiti ko nang hindi ko na nakita ang kapatid ko.

Bababa sana ako sa stage para hanapin ito ngunit biglang nag salita ang gurong taga pag bantay saamin.

"Be, Ready, stay tuned, guys! We will start, hinihintay nalang ang representative ng section ng Ruby."Ani nito.

Luminga linga ako at nakita kong nakaupo na ang mga candidates sa kani-kanilang silya, ngunit ang isipan ko ay patuloy pa rin na nakay Aida, nasaan kaya ang kapatid ko?

"Ms Serenio, Take your sit," utos ng guro.

"Ma'am ang kapatid ko po-" Natigilan ako nang makita ko ang kapatid ko, nawala ang pag-aalala sa mukha ko ngunit napalitan din ng sakit iyun nang makita ko kung sino ang may hawak sakanya.

"The representative of Ruby, is here!"

Caelus holding her hands, nakita ko pang nag pakita ng isang thumbs up ang kapatid ko, wala sa katinuan akong umuupo sa silya habang ang paningin ko ay nasa kanilang dalawa.

Pinaupo ni Caelus ang kapatid ko at agarang tumakbo sa entablado, ang katabi kong upuan ay ang uupuan niya, hindi ko napansin ang pangalan niya rito dahil kanina pa akong wala sa wisyo.

Oo nga pala, noon pa man ay pang laban na si Caelus lalong lalo na sa Science, hindi na ako magtataka kung hindi ako makasama sa mga mananalo dahil kay Caelus palang ay bagsak na, pero hindi ako pinanganak para pumalakpak at mabuhay sa imahinasyon ko, kung kaya nila, Pwes, Kakayanin ko rin.

"Sumali ka rin pala rito?" Bulong na tanong ni Caelus, nilingon ko siya ngunit diretso ang pag kakatingin niya, alam ko naman na ako ang tinutukoy niya, "Well, Goodluck, Babe," Bigla akong nasamid nang marinig ko ang sunod niyang sabihin, napaka kapal ng mukha niya para tawagin ako sa endearment na 'yon!

The competition was started, Nasa elimination palang kami kung saan may ibinigay na questioner ang mga guro at kung sino lang ang mga makakapasa rito ay siya lang ang makakasama sa susunod na round.

After the 60minutes, ipinasa na ang mga papel na sinagutan, nanatili lang kami sa upuan, naririnig ko pa rin ang pag sigaw ng kapatid ko ngunit sa pagkakataong ito katabi niya na sina Anya.

"Gusto mo?" Nagulat ako nang makita ko ang kamay niya sa harapan ko na may hawak na biscuit. "You look so exhausted, Kainin mo 'to." muli ko siyang tinignan ngunit hindi pa rin ito nakatingin saakin. I'll take it as care ba o insulting? anong akala niya saakin, exhausted agad sa unang round? well yes I admit na nahirapan ako, pero wala pa yun sa ¼ ng iq ko.

"No, thanks, eat that. Mas kailangan mo 'yan, Para mag function ng maayos ang utak mo for next round,"I sarcastic said.

"I'm not your competitor, Plea, I'll give this as a friend, walang masama roon." He chuckled.

"Pakeelam ko, you're not my friend. I'm not accepting the things from strangers." I rolled my eyes, kahit alam kong hindi niya nakikita iyon.

"Did you know?" Palagay ko ay magbibigay siya ng Trivia dahil sa pag dedeliver niya ng salita niya.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now