Our Father

794 43 20
                                    

Warning: Hindi naka-censor ang curse words dito! Takpan ang mga mata para hindi magkasala sanhi ng pagbabasa ng curse words. :DDD

Warning 2: Short story ito na. . . LONG.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa may entrada pa lang, kinakabahan ka na.

     Yung taong assigned sa pag-check ng invitations sa may entrance, sa iyo nakatingin at hindi sa invitation na pini-present mo sa kaniya. Sinalubong mo ang matamang tingin niya sa iyo kahit na sa loob-loob mo, gusto mo nang gumiba. Inikutan ka niya at taas-babang tinitingnan ang black tuxedo get-up mo.

     Sa wakas, pinapasok ka na rin. Namangha ka sa ganda ng venue na iyon. Mataas ang kisame na pinagsasabitan ng chandeliers. Dominanteng mga kulay ang ginto at pula. May dalawang mahabang mesa sa dulo kung saan nakahain ang pangmayamang mga pagkain, at sa tapat no’n nag-uumpukan ang mga imbitado.

     Naka-Filipiniana ang mga babae, at naka-barong Tagalog ang mga lalaki. Yung mga naka-Americana suit, halatang bodyguards ng mga prominenteng bisita sa pagtitipon na ito.

     Saglit lang ang pagkapamangha mo. . . Nakita mo kasi ‘sila.’

     Lumamlam ang paningin mo at tuluyan na siguro itong magdidilim kung hindi ka lang kinausap ng isang dalagang naka-pink na Filipiniana. Nagpakalma sa iyo ang kagandahan niya.

“Ano ba?! Bitaw sabi eh!”

     Nagpatuloy lang ang dalawang lalaki na kaladkarin ka pababa ng railing. Wala kang kawala sa lakas nila. Dinala ka nila sa harapan ko. Ayos. Magka-height lang pala tayo. “Huminahon ka,” sabi ko.

     “‘Tang ina, sino ka ba? Kasama mo ba’ng mga ito? Sabihan mo nga na pakawalan ako!”

     “Alam ko’ng pinagdaraanan mo.”

     “Kahit na alam mo, wala kang pakialam!” Dinuraan mo ang kwelyo ng asul kong T-shirt.

     Sinapak ka ng lalaki sa kanan mo.

     “‘Wag n’yo siya saktan,” sabi ko habang pinupunasan ng panyo ang laway. Inihagis ko ang panyo sa basurahan pagkatapos.

     “Ano bang gusto mo?!” galit na galit mong sabi. “‘Tang ina naman oh! Kailangan mo ng pera? Wala ako n’yan! Wala ka nang makukuha sa akin!”

     Halata nga. Gusgusing itim na jersey at patchy long shorts lang ang suot mo.

Unti-unti kang pinag-uumpukan ng mga prominenteng tao sa event na iyon. Sa una tinatanong nila sa iyo kung anong pangalan mo at kung anong propesyon mo. “Photographer po ako,” ang paulit-ulit mong sabi sa kanila. Pagkatapos no’n, sila-sila na lang mismo ang magiging paksa ng usapan. Magsasalita ka lang kapag may nagtatanong ng opinyon mo.

     Sa wakas, nagawa mo ring makalayo sa kanila. Nakakasawang pakinggan ang pag-uusap ng mga mayayaman. Sila at sila lang din ang nilalaman. Kuntento ka nang nakasandal sa isang haligi habang umiinom ng red wine.

     Iginagala mo ang paningin mo sa paligid, sinusubukang hagilapin ‘sila.’

Masyado sigurong nag-relax ang mga tauhan ko kaya tuloy nakawala ka sa kanila. Kumaripas ka pabalik sa railing. Nakabitin na sa railing ang isa mong binti nang maabutan ka nila at muli, kinaladkad ka paalis doon. Binigyan ka ng isa sa kanila ng tadyak sa binti at tumunog ang nabaling buto.

     Nabawasan no’n ang pagpupumiglas mo pero hindi no’n nabawasan ang laki ng bunganga mo. “‘TANG INA 'WAG N’YO AKO PIGILANG MAGPAKAMATAY! Ano ba?! Kung naiinggit kayo, sabay kayo sa ‘kin magpakamatay!"

Our FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon