8. Searching

152K 4.3K 126
                                    

8. Searching


SCARLETT


"My God, Emma. Na-i-stress ako sa nangyari kanina. Jusko, gagawin niya akong ina ng anak niya?! Oh my God. Ano ako, cheap?!?" OA na kung OA pero I can't help myself but to express my rants to Emma. Actually, hindi ako mapakali simula pa kanina. Gusto ko kasing ilabas itong hinaing ko kundi sasabog na ako anytime.

Kaso imbes na maki-rant din, ito namang si Emma humagalpak lang sa tawa. "Seryoso? Two million a year? Wow! Ang bongga! Ako nalang kaya?"

Sinamaan ko nga siya ng tingin. Ambitious frog. "Itsura nito. Syempre kaya ako yung natipuhan na gawing mom ng anak niya kasi I'm pretty." Umirap ako sa hangin. Kanina ko lang napagtanto yung mabilis na phase ng pag-hire sa akin. "Kaya pala pinaikot lang ako tapos natanggap agad ako? Kaya rin pala 30K a month kasi under probation ako?"

Kasalukuyan kaming nagdidinner ngayon ni Emma sa apartment niya. Nag-take out siya ng KFC bucket meal dahil sweldo niya raw ngayon. Kaya eto, treat niya na naman ako.

"Eh bakit daw ba naghahanap ng mommy?"

I rolled my eyes upwards. "Tatanungin ko pa ba yun? Emma, binibili niya ang puri't dangal ko! Syempre umayaw agad ako."

"Gaga. OA nito. Puri't dangal agad?" pambabara niya sa akin kaya napasimangot ako't napakagat nalang sa chicken ko. "Let me ask you this, Scarlet-"

"Alison," pagtatama ko.

"Okay, Alison," ismid niya. "Matanong ko lang, ilang taon na yung boss mo?"

Napaisip tuloy ako. Ilang taon na nga ba si Sir Arthur? Wala akong alam sa kanya bukod sa kaapelyido niya ang ex kong hayup. And then something hit me. Sabi ni Sir Toffer noon sa akin, 25 years old na siya. Wow, he looks younger than his age.

"25 years old."

Pinanlakihan niya ako ng mga mata sa gulat. "25? Akala ko ba matandang mataba na uugod-ugod na?

"Sinabi ko ba 'yon?"

"Oo!" asik niya kaya nagkibit-balikat nalang ako. I can't remember it though. "Why don't you try? Under probation ka lang namn. OA mo agad e. Akala mo, pasado ka kaagad bilang mommy. Sayang din 'yung 30K ah."

Napaisip tuloy ako. In fairness, may point siya. Practical moves ika nga. Pera rin yon, pinakawalan ko pa pero...

"Hindi e. Ayoko! Ang weird lang nung under probation ako tapos kapag pumasa ako, gagawin akong mommy? Hindi ka ba nawiwirduhan dun kasi ako, I find it so strange."


STRANGE talaga kung maituturing yung napasok ko. Hanggang sa pagtulog tuloy, iyon ang nasa isip ko. Hindi tuloy ako makatulog kaya bumangon ako at dun muna tumambay sa veranda. Naupo ako sa upuan at natulala nalang sa kawalan.

Ganito pala ang buhay sa Maynila. Napakaweird ng mga pangyayari. Hindi porque desperada ako na magkatrabaho ay papatusin ko na yung sa A.E Mart. Madami pa namang ibang work dyan. Tch.

Naalala ko tuloy kanina yung usapan namin ni Sir Arthur sa powder room. He was so crazy for stepping inside a female's room. Hindi ko kinakaya ang guts niya.


"3 months kang under probation sa pamamagitan ng pagiging executive secretary ko at kapag nakilala na kita ng husto, gagawin kitang mommy ng anak ko. I'll be giving you an addendum if you surpass the three month probation. From 30K, gagawin kong two million pesos a year."


I shook my head as the words strike my mind again. "Kapal ng mukhang bilhin ako. Desperate moves para magka-mommy ang anak niya?" Natigilan ako saglit. So, may anak na pala siya and obviously, walang nanay. Sayang, nagamit agad ang genes. Tsk tsk.

Let's Talk About Us [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora