💙CHAPTER 21💙

139 5 4
                                    

Eto na nga ang araw na paalis na siya..

"Babe"tawag ko sa kaniya

Nandito na nga pla kami sa airport inihatid ko siya

"Babalik ka diba?"tanong ko pa ng naka nguso namumugto ang mga mata

"Pangako"sabi niya at iniabot saakin ang telepono niya.

"Anong gagawin ko dito?"tanong ko

"Sa iyo na muna,hindi ko naman yan magagamit doon"sabi niya at humalik sa akin at tuluyan ng umalis.

Si Laurent naman ay yumuko sa akin at dinala ang mga gamit ni belle

2 weeks past...

Sinundo ako ni Laurent upang ipagbigay alam na pumayag daw ang daddy ni belle sa pagpunta ko at pagsama ko sa kaniya.

Gaya ng dati yumuko muna siya at kinuha ang mga gamit ko.

19 hours din siguro ang biyahe

Ewan ko.

Pagbaba namin ng eroplano ay talagang namutawi sa akin ang pagka hanga.

Dahil tila berde at makukulay na halaman at mga puno ang aking agad na nakita.

Matapos noon ay may isang malaking istraktura na puti at kulay ginto ang kulay.
Malaki..napaka laking istraktura
Matapos noon ay may nakita naman akong napakalaki ding istraktura
Tila napakaraming tao sa loob
Ngunit napaka tahimik dito sa lugar na to.malayong malayo kung saan ako nanggaling.

Niyaya naman na ako ni Laurent at pumasok kami sa napakalaking gate
Na tila kulay ginto din.

Nagulat naman ako ng tinutukan ako
Ng mga armas ng mga tao sa loob
Ang dami nila..napaka dami

Sumenyas naman si Laurent upang ibaba ng mga tao ang armas
Sigurado ako na sila ang tinatawag na Rango ni babe.

"Sir"tawag ko kay Laurent

"Wag na po kayong mag sir sa akin"sabi niya

Pilipino pala siya....

"Nasaan si belle?"tanong ko

"Nasa Monarkiya po sir,nandoon po ang prinsesa"saad niya

"Ngunit hindi ang prinsesa ang aking hanap..si Belle ang hanap ko"sabi ko

A LOVE UNTOLD Where stories live. Discover now