SIMULA

161 3 0
                                    

  PINAHID ko ang tagaktak na pawis sa aking noo. Tirik na tirik ang araw pero ako talaga ang inutusan ni Miss Iya na kolektahin ang mga basura at itapon sa truck.
 

  "Late na kayo, Andoy! Ang init-init na tuloy." Nakasimangot kong sabi habang inaantay na maubos nila Andoy ang mga black trash bags sa garbage push carts.
 

  "Nasira kasi itong truck sa kalsada. Hindi na nga dapat kami tutuloy. Kaya lang naayos din naman. Bakit ikaw nagdala nito? Nasaan si Arnel?"
 

  Mas lalong lumukot ang aking mukha.
 

  "Naku napag-trip-an na naman siya ni Miss Iya. Kahit andiyan si Arnel ay sinama na naman siya sa akin," singit ni Jomar. Isa sa mga janitor sa pinagtatrabahuhan kong resort and hotel.
 

  "Bakit?!" nakiusosyong sigaw ni Andoy habang nagtatapon na sa truck.
 

  "Wala! Favorite lang ako no'n lagi utusan. Bilisan mo na. Marami pa akong lilinisin sa loob," aburido kong sagot sa kanya. Napapangisi lang si Jomar sa sinabi ko.
 

  Inantay pa naming matapos si Andoy bago kami nagtulak ng garbage push cart papasok sa loob ng resort. May designated area talaga para sa waste management. Dito kami palagi, sa lugar kung saan hindi nakikita ng mga guests.
 

  "Palagi ka kasing outstanding employee sa department natin ayan tuloy pinag-iinitan ka. Huwag mo kasing galingan!" Natatawang biro ni Jomar.
 

  "Ginagawa ko lang 'yong trabaho ko. Tsaka ang habol ko kasi do'n 'yong prize."
 

  Iniwan namin ang push cart sa gilid at naglakad ulit papunta na sa CR.
 

  "Taon-taon ikaw na lang. Naka-thirty thousand ka na 'di ba?"
 

  Hindi ko siya sinagot. Tuwing may annual year end kami, nakakasama ako sa outstanding employee sa department namin. May sobre na inaabot sa amin at may halagang fifteen thousand sa loob niyon.
 

  Natigil kami ni Jomar nang makasalubong namin si Miss Iya. Nakasimangot na naman siya. Si Miss Iya iyong Facilities Manager. Pinapasama niya ko talaga sa sanitation para lang magtapon ng basura.
 

  "Dito na muna ko, Glaiza," mabilis na paalam ni Jomar nang matapos alanganing nginitian si Miss Iya.
 

  "Glaiza, kulang na nang janitress sa second floor. Basang-basa na ang sahig sa hallway! Bakit ang tagal mo magtapon ng basura?" iritable niyang tanong sa akin. Nakataas pa ang kilay niya.
 

  "Miss Iya, katatapos lang po namin kasi madami iyong mga trashbag—"
 

  Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sumabad na siya. Umungol siya sa iritasyon bago nagsalita.
 

  "Mag-sanitize ka muna bago ka umakyat sa taas. Tulungan mo sila Marj," anito at tinalukuran ako.
 

  Hindi pa ko kumakain! Lunch break naman na.
 

  "Pero Miss Iya—"
 

  Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nilingon niya ako at binigyan nang matalim na tingin. Laglag ang aking balikat at hindi na lang nagsalita. Tinalikuran niya akong muli at naglakad na palayo.
 

 

 

  "Ako na rito!" sabi ko kay Marj nang maabutan itong nagma-mop ng sahig. Tulak-tulak ko na ang janitorial cart.
 

  "Hay, buti naman! Kanina pa kami dito. Hindi na natapos ang basa sa sahig. Itong mga guests dito kanina pa pabalik-balik galing din sa pool," reklamo niya habang nilalagay ang mop sa janitorial cart.
 

Her Deepest SecretWhere stories live. Discover now