Chapter 4: Her Personal Knight

22 0 0
                                    

A/N

sinipag lang pong magUD kaya eto UD UD din

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nicolai’s POV

Naghahabulan lang kami sa highway ni Nica, kahit kailan talaga pasaway tong babaeng to hilig sa disgrasya.

'Oi Nica umayos ka nga', sigaw ko sa kanya ng kapantay ko na siya.

'Ayaw ko nga', sigaw na sa akin then lalong binilisan ang pagmamaneho.

Naghahabulan pa din kami at iniiwasan ang mga nakakasalubong naming mga sasakyan. After few minutes ay dumating na kami sa mall na pagmamay-ari nina Nica.

'Sana man lang sinabi mong dito tayo pupunta', sabi ko sa kanya nung naka baba na ako sa aking sasakyan.

'Walang thrill pag sinabi ko', sabi pa niya sa akin then tumawa siya.

'Kahit kailan talaga', sabi ko na lang sa kanya.

'Bahala ka na nga diyan', sabi niya sa akin then naglakad na papasok ng mall.

Umiling na lang ako at sinundan siya, pinagtitinginan na nga kami ng mga taong nakakasalubong namin.

'GUTOM NA AKO!', pasigaw niyang sabi sa akin sa boses na pambata.

'Lagi naman eh', sabi ko na lang sa kanya, ang takaw niya kasi.

'LIBRE MO KO!', sigaw niya ulit kaya pinagtinginan kami ulit.

Napa sigh na lang ako sa inaasal niya then naglakad na lang.

'Saan ka pupunta?!', pasigaw niyang tanong sa akin pero hindi ko pa din siya pinapansin.

'OI MAGHINTAY KA NGA!', inis niyang sigaw sa akin pero wala pa din akong ginagawa alam ko din namang sumusunod siya.

Walang pasabi akong pumasok sa Tokyo Tokyo dahil gutom na ako at siguradong gutom na din tong matakaw kong kasama.

Natahimik siya ng makita niyang pumasok ako sa Tokyo Tokyo at umupo na siya sa isang table at naghintay na lang sa pagorder ko ng makakain namin.

'Oh Beef Misono Remix mo', sabi ko sa kanya then bigay ng paborito niyang pagkain pati ng red ice tea and hiwalay na order ng California maki.

Akin naman ay beef teriyaki, red ice tea and also California maki.

We started to eat pero hindi pa din kami nagpapansinan, tahimik lang kaming kumain then refill ng rice dahil nga gutom na gutom kami.

Katapos niyang kumain ay agad na lang siyang tumayo then naglakad ulit, so ako naman si mabait ay sumunod na sa kanya.

'Nica wait lang', sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin.

Sinundan ko lang siya hanggang pumasok siya sa World of Fun at tumingin tingin lang doon sa loob.

'Token', sabi niya sa akin tapos parang humihingi pa sa akin.

Napakamot na lang ako ng aking ulo.

'Wait for me bibili ako', sabi ko na lang sa kanya then pumunta sa bilihan ng token at bumili ng maraming token.

'Here', bigay ko sa kanya then pumunta siya doon sa basketball na machine.

I just watch her as she starts shooting the ball kalaban ang mga lalaking naglalaro din.

'Woaw', sabay sabay na sabi ng mga nanunuod, paano ba naman ay natalo niya ang mga lalaking mga kalaban niya.

'Nicolai ikaw nga dito', sabi niya then turo turo ung katabing machine hinahamon ako nito.

'Are you sure?', tanong ko sa kanya.

'Oo', sagot niya sa akin.

'Ang matalo manlilibre ng frappe sa starbucks', sabi ko na lang sa kanya.

'Fine', sagot niya.

Sabay kaming naglagay ng token then nagumpisa na kaming magshoot ng bola. Tie lang kami lagi so halos lahat ng tao ay napapanganga lang sa nakikita.

'Kaya pa?', mapangasar kong tanong sa kanya ng nagshshoot ako kahit hindi ako naka tingin sa ring pero pumapasok pa din.

'Yabang mo!', sabi niya sa akin pero hindi pa siya nagmimintis.

Natapos ang laro namin, at ang score is Nica 209, ako 210.

'Talo', pangaasar ko sa kanya.

Bigla siyang nagwalk out na kinabigla ko, naasar nanaman siguro yung babaeng yon kaya sinundan ko. hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita, saan na naman ba iyon pumunta?

Veronica’s POV

Natalo na naman ako ni Nicolai sa basketball machine na iyon sa WoF, lagi na lang. Agad ako umalis para bilan siya ng frappe niya kahit ganito ako marunong pa din akong tumupad sa usapan.

'Hi Miss', sabi ng isang lalaki tapos bigla akong napalibutan ng mga kasamahan niyang lalaki.

'What do you want?', sabi ko na lang sa kanya.

'Well kanina ka pa namin pinapanuod, we’re kinda interested with you', sabi nung lalaki kanina.

'Well ako hindi, so umalis ka na sa harapan ko dahil may pupuntahan pa ako', sabi ko na lang sa kanya in a cold way.

Maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

'Ano ba!?', inis kong sabi sa kanya.

'Sumama ka na lang miss', sabi niya sa akin.

'Eh ayaw ko nga', inis kong sagot sa kanya.

Bigla akong naka kita ng kamay na mahigpit na humawak sa wrist nung lalaki na nagpabitaw sa hawak niya sa akin then hinila niya ako bigla.

'Being ungentleman huh?', sabi nung babaeng humila sa akin.

'Oh another chick', sabi nung lalaki.

'Worthless nobody', sabi nung babae na kinabigla ko ay si Euri pala.

'Euri!', sabi ko then tinago niya ako sa likod niya.

'Palaban pala ito', sabi nung lalaki then hahawakan na niya sana ako ulit pero this time may tumabig sa kamay niya then tinulak naman nung isa.

'Sabi ngang ayaw nila eh', sabi nung lalaking naka talikod sa amin dahil naka harap siya sa mga lalaki, alam kong si Nicolai iyon.

'Kaya sa susunod ay makinig na lang kayo', sabi pa nung isa.

'K-K-King?', sabi ko na kinabigla ng mga lalaki.

Hinila ako ni Nicolai sa tabi niya then tinignan ng masama ang mga lalaki.

'Go before you borrow your face to the dogs at the pound', inis na sabi ni Nicolai.

Tinitignan lang ng masama ni King ang mga lalaki.

'Psh', sabi na lang nung lalaki then umalis na sila. 

Son Chevalier hiatusWhere stories live. Discover now