Bulok na Kamatis

342 0 0
                                    

Ang Bulok na Kamatis

September 24, 2009

Eto na ‘yung kwento…

Sana pagtiyagaan mong basahin dahil

pinagtiyagaan ko tong gawin, maawa ka, basahin mo ):

“The Tomato Story”

Bakit nga ba sa isang grupo ng sariwang kamatis mas agad na napapansin ang bulok na isa

at ito’y agad na inaalis para hindi na makahawa pa ng iba. Siguro nasa isip mo,

kay lupit naman ng kapalaran ni bulok na kamatis, itinapon na lang siya. Pero alam mo bang may magagawang paraan para matulungan mo pa ang isang

bulok na kamatis para magbago, tama lang na alisin

mo sa mga sariwa ang isang bulok para dina makahawa pero sana itanim mo yung mga buto ng bulok na ito upang ng sa ganon magkaroon ng mas malaking pakinabang sa kanya. Kailangan mo lang

siyang tulungan na makaalis sa pagbulok at makapagbagong buhay hindi mo siya dapat itapon sa lugar na alam mong hindi na muling magkakaroon ng bagong buhay.

Ano ang kinalaman ng passage na ito sa kwento ko. Muli mong patunayan na hindi ka na uhuging bata, na marunong ka nang umintindi ng malalalim na bagay.

Eto na talga yung kwento.

Si Clifford, bata pa lang magulo na ang pamilya niya, as in since birth, as in noong wala pa siyang isip. Lumaki siya sa isang may kayang pamilya, lahat ng bagay niyang gustuhin naibibgay sa kanya, laki sa layaw, pag hindi agad napagbigyan nagdadabog konteng pagiinarte lang madadala

na ang Mama at Papa niya para ibigay ang hinihinging bagay. Ngunit ito pa lang mga bagay na ito ang magdadala kay Clifford na makamtan ang kapalaran na maging bulok na kamatis. Puro trabaho ang nasa isip ng mga magulang niya, puro pera, pera, pera at maraming pera. Ngunit kulang ang atensiyon na

ibinibigay sa mga anak nito. (Naku po tulad lang ata to ng ibang mga nobela na magrerebelde yung anak dahil kulang sa atensiyon, hehehe pipilitin kong maiba naman ang ending nito.) Atensiyon na kailangan ng isang anak upang hindi ito malihis ng landas. Habang nagbibinata si Clifford ay siya namang pagbagsak ng negosyong buy and sell ng mga kotse, ninanakawan pala sila ng kasosoyong kumpare ng kanyang Papa hangang sa bumagsak na ng tuluyan ang business nila. Hindi na nila nahabol yung ninong ng binata agad na nag-migrate ito ng alam na niyang mabibisto na siya sa kalokohan niya.

Unti-unting silang naghirap, laging maiinit ang ulo ng buong pamilya. Si Papa laging lasing si Mama busy naman sa pangungutang, si Clifford hindi na mapagbigyan agad sa mga gusto niya ayaw niyang

Intindihin yung tunay na sitwasyon nila. Ang kuya naman niya unti-unti nang nalulong sa masamang

bisyo ng barkada, ‘pag uuwi sa bahay sure may royal rumble sila ng kanyang ama, isang lasing na ama na nangangaral sa isang sabog na anak. Magkaintindihan kaya sila.

“Pu- – ina mong bata ka, umaga ka na namang umuwi mukha ka pang sabog” sabi ng ama sa kanyang panganay “Pu- – ina mo ka rin, bwahahaha tumahimik ka baka kainin kita ng buhay” sagot naman ng anak na mala-dimonyong tumatawa, bangag na bangag.

(teka muna ano nga ba ang ibig sabihin ng masamang salitang iyon, ianalyze natin baka sakaling mailang ka nang gamitin pa uli ang mga salitang iyon, Puta ang ina mo… ibig sabihin inaakusahan mong puta o prostitute yung nanay ng sinsabihan mo, e ‘di lalo palang masama pag sariling mong kapatid yung ginamitan mo ng mga salitang ito, inaakusahan mo ang sariling mong ina, at mas malupit siguro kung yung ama ang gagamit ng salitang ito para murahin ang kanyang anak, malinaw na sinasabi niyang puta ang kanyang asawa. Kaya pakiusap isawasan na nating gamitin ang mga salitang ito, ang English version nito ay you’re son of a bitch)

itutuloy----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bulok na KamatisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon