LAST CHAPTER

1.4K 15 0
                                    

* GABRIEL'S POV *




3 months na simula nung umalis ako ng Pilipinas , at lahat ng connection ko ay pinutol ko sakanila kahit sa kapatid ko at maging sa Papa ko , andito ako sa Paris namumuhay bilang isang normal na tao , ginamit ko lahat ng ipon ko para makapag simula ng bagong buhay




" excuse me , 1 bottled water please " oo di kayo nag kakamali ng narinig , isa akong waiter sa isang restaurant dito sa London dahil hinde sapat ang naipon ko para mabuhay kaya kailangan kong mag trabaho



" ok , ma'am " at kinuha ko na ang order niya , kahit ano pang hirap ang nararanasan ko ngayon wala pa to sa hirap na dinanas ko nung malaman kong kapatid ko ang kaisa-isang babaeng minahal ko , kamusta na kaya siya nayon , gustuhin ko man kamustahin siya pero di ko kaya baka makalimutan kong kapatid ko siya , sana makalimutan ko na tong nakakagagong pag-ibig nato , Hanggang sa may nabunggo akong babae at natapunan ko ng tubig



" OH MY GOSH , punyeta naman ee , tangina talaga oh napaka gago naman puta !!!!! nakaka urat " nagulat ako dun sa nag salita kaya naman napatingin ako sakanya at may edad na siya pero maganda pa rin siya di ko nga msiyadso nahalata na buntis siya at ang wordings niya may katulad



" honey , what happen ? " at may sumunod sakanyang lalakeng may edad na din pero ang tindig ay nandun pa din at may hawig din ang pananalita niya



" what happen ! what happen ka diyan tangna naman ee nabasa na Ko Gilbet what happen pa din ?!!! " sigaw niya dun sa kasama niyang lalake siguro nga asawa niya ito at dun lang ako natauhan


" ma'am sorry po , teka Pilipino po kayo ? " tanung ko sakanila ngayon lang kasi ako nakakita ng Pinoy dito sa London



" tanga ka ? karirinig mo lang diba ? kala mo sakin elien ??! may tangina na ba sa english dictionary ?! " hala grabe ang sungit



" iho , pasensya ka na buntis kasi ang Mrs. ko kaya sobrang sungit " pag hinge ng paumanhin nung asawa niya kaya naman tumango lang ako



" oho , ok lang po kasalanan ko naman po talaga kaya pasensya napo " pag hinge ko ng tawad



" paano kaya matutuyo ng pasensya mo tong invitation letter ng kasal na pupuntahan namin bukas sa Pilipinas " sabay pinakita niya sakin ang invitation letter na nabasa nakakahiya lagot na talaga kaya naman yumuko ako


" sorry po talaga di ko sina—— " napahinto ako nung mapatingin ako sa invitation letter


YOU ARE INVITED TO A ROYAL WEDDING OF THE YEAR OF

MR. JHON KURT SEO AND MS. SHARA MAE KIM

My first Love and Last ( awesomely completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon