Kabanata 1: ♡HKM♡

64.3K 1.4K 401
                                    

Kabanata 1: ♡ HKM ♡

Umuugong sa buong gym ang paghampas ng kakambal ko ng drumstick doon sa drum set niya. Habang ang gitara naman ni Ram ang nagpapa-ganda sa pandinig ko.

"Wala pa ring pinagbago ang Blue Night Lagoon." Sambit ni Aejay sa tabi ko habang nakahalukipkip at nakangusong pinapanood ang banda nila Ram.

"Ram Kollins Bernal, boyfriend of Princess Monique Cando and lead guitarist of BNL." Simula ni Adie sa malanding tono habang iniikot ikot ang maikling buhok.

"Prince Troy Cando, the oh so fucking hot drummer."

"Jared Lucas Bana, the myterious bassist guitarist."

"Klaus Montez, the pervert rhythm guitarist."

"And, Rome Tristan Mondragon with his angelic voice." Pagtatapos niya.

~~ Hindi kita malilimutan
Habang buhay kita itatago
Pag.ibig ko'y hindi magbabago
Hindi kita Malilimotan
Alaala mo nakasabit
Sa puso ko'y ikaw ang may-ari ~~

Bumaling si Aejay kay Adie at marahas niyang hinampas ang braso nito na nakapag halakhak sa akin.

"Hoy, bakla, yang pananalita mo lumalandi nanaman!" Naiiritang bulyaw ni Aejay sa kanya na kinainisan naman ni Adie.

"Shut up, tibo." Nandidiring sabi ni Adie sa kanya at nagkunyari pa siyang pinapagpag ang braso niyang kanina ay hinampas ni Aejay.

"Napaka arte mong Adriano ka!"

"It's, Adie!!" Punong puno ng iritasyon ang boses ni Adie sa kanya. "Adriano!" Mas lalo lang siyang inasar ni Aejay.

"Cristina Aejay!" Pagbabalik ni Adie sa pang aasar sa kanya, ngumuso lang si Aejay at nanahimik nalang.

"Tumigil na nga kayong dalawa, pareho lang kayong hindi masaya sa totoong pangalan niyo." Natatawang suway ko sa kanilang dalawa, sila na yata ang matatawag kong totoong kaibigan ko sa loob ng pitong taon.

Simula high school hanggang ngayong second year college na ako ay kaming tatlo pa rin ang magkakasama.

"Gwapo! Gwapo! Klaus the pervert!" Sigaw nanaman ni Adie.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya pero tinawanan naman niya ako.

"Come on, TFF! Ipag-cheer mo naman si boylet mo!" Anyaya ni Adie sa akin, ngumisi ako at ikinulong ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang gilid ng bibig ko at saka sumigaw ng...

"I LOVE YOU SO MUCH! RAM!!" Maingay sa buong gym dahil sa matinding hiyawan sa Blue Night Lagoon, pero sapat na sapat na ang pag sigaw ko para marinig iyon sa buong gym!

"Alam ba yan ng mga Kuya mo?!!" Pang aasar sa akin ni Aejay na siyang nagpatawa nanaman sa akin!

"Alam ni Kuya Troy!" Natatawang sagot ko sa kanya.

"Pero tutol pa rin siya, pasalamat ka at hindi ka sinusumbong dun sa dalawa mo pang bantay." Pananakot sa akin ni Aejay.

"Take note! Tatlong bantay! Isama mo si Daddy Kyle!" Natatawang sabi ni Adie.

Napailing nalang ako, alam kong maling mag sikreto ako kela Dad, pero ayokong maputol ang nararamdaman kong kasiyahan habang kasama ko sa isang relasyon si Ram.

Siguro nga ay tutol si Kuya Troy, pero alam kong hindi niya hahayaang mapahamak ako sa dalawang Kuya ko at kay Dad. I feel sorry, pero nangako naman ako kay Kuya Troy na hindi ko na patatagalin pang isekreto ang lahat ng ito.

"Uuwi na kami." Hinihingal na paalam ni Kuya Troy sa kabanda matapos ang performance nila sa opening ngayong pasukan.

Tinanguan siya ng mga ito pero mabilis na lumapit sa akin si Ram, sandali akong bumaling kay Kuya at napakamot siya ng marahas sa ulo niya. "Tsk. Alright, hintayin kita sa labas!" Iritadong sambit niya saka tinapik sa braso si Ram bago tuluyang umalis sa backstage.

Pinagtagpo ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon