Veintiocho

57 6 0
                                    

Bakit hindi nga ba natin subukan?
Ating ipagpatuloy ang nasimulan.
Subukan nating dalawang buksan,
Hamakin pagkakataong nakalaan.

Sasayangin na lamang ba ang lahat?
Ang pagkakataon ay tuluyang iiwasa't
Hindi na pagbibigyan ang nakahanda?
Paano ba talaga tayo magiging ganap?

Maraming katanungan ang nasa isipan,
'Tulad ng may pagtingin ka ba talaga
O sadyang ganiyan ka lamang magpakita?
Masaya ngunit nagugulumihan na.

Bakit hindi natin simulang magbatian,
Sa personal ay magkatalastasan?
Bakit hindi magawang maglapitan
At miski sa tinginan ay nagkakahiyaan?

Nahihiya ka bang ako'y kausapin?
Ako'y iyong lapita't iyo namang lambingin.
Nahihiya ba katulad ng aking damdamin?
O wala talagang balak na ako'y sungkitin?

ysa | 01.11.2023

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now