Extra Part

65 0 0
                                    

May POV

Busy ako sa pagbabasa ng paburito kong libro ng makarinig ng yapak sa tuyong dahon na papalapit sa punong kinapupwestuhan ko. Agad kong isinara ang libro at marahang inilapag ito sa ibabaw ng bag ko. Nilingon ko ang likod ng puno at mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang isang lalakeng papalapit.

Hindi ko siya kilala ngunit pamilyar siya sa akin. I think isa siya sa mga tinatawag ni Ate Jillian na Lucas? Not sure. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil baka ay may hinahanap lang dito. Kinuha kong muli ang libro at binuklat iyon sa pahinang hinintuan ko kanina at nagsimula muling bumasa.

Ngunit maya-maya ay nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko kaya ay nilingon ko ito ngunit nahigit na lamang ang hininga ng mapagtantong ang lalake kanina ay nasa tabi ko na ngayon hindi kalapitan sa akin. Ngumite siya sa akin.

"Hi Ms. May." Ani nito. Hindi ko siya sinagot sapagkat ay hindi ko alam ang gagawin lalo na at diretso siyang nakatingin sa mata ko na ikinakaba ko naman kaya iniiwas ko ang tingin mula sa kaniya at tumingin na lamang sa balikat niya.

"A-anong kailangan mo?" Tanong ko sa nauutal at kinakabahang tuno. Hindi pa naman ako sanay na may lumalapit sa akin na hindi ko ka-close tapos kakaysapin nalang ako.

"Ahm..." nakitang kong pinaghaplos nito ang mga palad sa isa't isa at wari mo ay nag-iisip ng p'weding sabihin. Pasimple ko namang iniusog palayo ang sarili sa kaniya bago mahigpit na hinawakan ang libro. "Gusto ko lang sanang magpakilala."

Ani niya. Unti unti naman akong tumango. "So, I'm Lucas Gab Herrera. Pamilyar kaba? I mean, sa social media?" Naalala kong siya ang makulit na lalake na kinukulit ako sa Messenger. Ano naman ang kailangan niya sa akin kaya?

"Yes naaalala kita, i-ikaw 'yong lalakeng makulit na china-chat ako." Pahina ang boses na ani ko. Nakakahiya kasi na kausapin siya.

Awkward siyang tumawa at napahaplos sa batok bago nag-iwas ng tingin which is I found cute, pero hindi ko parin siya kilala. Pero tama naman si Ate Jillian na guwapo siya at nakakahumaling ang taglay niyang gandang lalake.

"Sorry nga pala doon. Gusto ko lang kasing makipag-close sa'yo. You know, to be friends?" Ani nito. Nag-indian set siya bago ipinatong ang siko sa tuhod at ipinatong ang pisnge sa kaniyang palad. Naaligaga ako ng tumitig na naman siya sa akin. May problema ba ako sa mukha at kung bakit siya kanina pa titig ng titig sa akin.

"So, ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya ng hindi nakatingin. Pinaglaruan ko nalang ang page ng book ko habang hinihintay na sagutin niya ang tanong ko.

"Wala lang. As what I've said kanina. I want to be friends to you, ok lang ba iyon? Wala naman akong gagawing masama eh tsaka mabait akong tao." Nilingon ko siya at tiningnan sa balikat. He want's to be friends with me? Ayos lang kaya iyon? Paano kung hindi niya pala gustong makipagkaibugan sa akin.

Ngayon lang may nagtanong sa akin ng ganon kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin o isasagot. Should I allow him? Pero paano kung i-judge niya ako or pinipeke niya lang pala ako? Pero baka naman totoo siya. Payagan ko kaya? Wala namang masama doon 'di ba?

Ngumite ako ng bahagya at dahan dahang tumango. "Ok." Ani ko. Nakita ko naman ang successful niyang pagngiti at napapalakpak nalang. Mukha siyang nanalo ng loto o nakapanalo ng malaking halaga sa totoo lang.

"Salamat naman kung gano'n." Masayang ani nito. Gusto ko makaranas ng magkaroon ng kaibigan, 'yon bang totoo at hindi peke. Siguro naman magkakaroon na ako 'no?

Nagsimula siyang magtanong at magsalita na minsan ay tinatawan ko ang mga nakakatawa niyang sinasabi. At iyon na nga. Naubos ang break time ko sa pakikipag-close niya sa akin.

I like him... to be my friends. Because he gives me vibes na magiging komportable ako. I think being friends with the famous student/person in our University is ok... I think. Sana lang at hindi ako sugudin ng mga haliparot na kinababaliwan siya.

"So, Kakausapin mo narin ba ako through Message?" Ani nito. Nag-akma akong nag-iisip bago mapaglarong tumango sa kaniya at nginitian siya.

"Yup, kung may kuwenta ang sasabihin mo... joke." Ani ko at tumawa.


Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang break time kaya nagpaalam na ako sa kaniya. Nang makaalis sa Garden ay bigla akong na-conscious, Parang ang bilis ko atang makipag-close sa kakikilala ko lang na lalake. Ipinilig ko ang ulo.

'Wag mo na namang pairalin ang pagiging introvert mo Judy! Kahit na minsan lang, maging extrovert ka naman... kahit minsan lang sa pakikipag-kaibigan.' Kausap at pagkumbinsi ko sa sarili.

Sana talaga ay tuluyan na akong maging kompurtable sa iisang tao, kahit sa kaniya lang.

MAYUMIWhere stories live. Discover now