Fifth Beat

101 8 3
                                    

CALIX:

"Brad, nagtext na si lider!!!" sigaw ni Aldrey kay Brady.

Si Brady kasi tinakas yung wallet ni Drey at nagpahabol. Hay! Itong dalawang 'to! Sakit sa kilay. Para akong babysitter. Inutusan kasi kami ni kuya mag-grocery dahil ubos na daw supply namin sa condo. Tapos darating pa yung bago daw member na ipapalit kay Lem. Sino kaya yun? Dinig ko babae daw. Sana lang hindi sya kagaya ng schoolmates ko na mag-aayang gumawa ng milagro. Apat pa naman kaming lalake na palagi nyang makakasama.

Tapos na kami mamili. Actually, pauwi na nga kami. Etong dalawa, di pa natatapos sa paghahabulan nila. Nebenemenyen!! Magagalit na si kuya neto eh.

Si Kuya na anak ng bagong asawa ni daddy. Pero kahit ganun, close kami. Sobra sobra pa nga. Grade 5 ako nun nung nagpakasal sina daddy at mama. Si Kuya noon, hindi nagsasalita. Akala ko nga galit sya. Yun pala, nahihiya lang makipag-interact. Panong di ko iisipin na galit sya e 2 years pa lang ata nakakalipas noon nung namatay daddy nya tapos nagdecide na ulit magpakasal yung mom nya. Buti na lang hindi ganun kakitid utak nya. Natanggap nya naman kami agad ni daddy. Dapat nga papapalitan pa yung apelyido nya. Pero di sya pumayag. Kahit papano naman daw nirerespeto pa din nya yung dad nya. Tatay pa din daw nya yun at kahit ilang apelyido pa ang ipalit nila, hindi maitatanggi na utang nya sa tatay nya ang buhay nya. At dahil nga wala syang kapatid, sino pa ba magpapakalat ng apelyidong yun bukod sa kanya? Naintindihan naman sya ng mga magulang namin at hinayaan na lang. Kung ako nasa kalagayan nya, ganun din siguro magiging desisyon ko.

Bakit nga ba nag-asawa ulit si daddy? Syempre, dahil wala na akong mommy. Hindi naman sa wala as in sumakabilang buhay na. Sa katunayan, hindi namin alam kung anong nangyare. Ang sabi ni daddy, umalis daw sya habang pinagbubuntis yung kapatid ko. Oo, may kapatid pa ko na mas bata. 2 years younger ata sakin. Ibig sabihin, 2 years old pa lang ako nung iniwan kami ni mommy. Wala pa kong naaalala noon. Miski itsura ni mommy, di ko matandaan. Sa pictures ko lang sya nakita. Yung bata sa sinapupunan nya, hindi daw alam ni daddy kung babae ba o lalake. Maliit pa daw yung tyan ni mommy noon.

Kung bakit nya kami iniwan, may ibang lalake daw sabi ni daddy. Ginawang dahilan ni mommy yung pinagbubuntis nya pero sigurado daw si daddy na anak nila ni mommy yun, at hindi dun sa lalake. Ewan. Ang gulo nga ng kwento eh.

Sa totoo lang, pinangarap ko na noon pa na magkaroon ng mas batang kapatid. Nakikita ko sa mga kaklase ko noon hanggang ngayon. Parang ansarap lang sa pakiramdam nang may tumatawag sayong kuya tapos ipagtatanggol mo sa mga bully. May kuya na ko pero di pa ko nagiging kuya. Yung kapatid ko kaya, nagkaroon kaya sya ng kapatid na sumunod sa kanya? Yan ay kung nabubuhay pa sila ni mommy. Kumusta na kaya sila? Kung nabubuhay pa sila, gusto ko silang makita. Gusto kong makausap si mommy tungkol sa tunay na dahilan ng pag-iwan nya sa amin noon. Hindi naman ako galit sa kanya kasi unfair naman na side lang ni daddy yung narinig ko. Kaya nga gusto ko sana syang makausap para maliwanagan ako sa mga bagay bagay. At isa pa, gusto kong makilala yung kapatid ko.

Hiaszt!! Teka nga. Naiwanan na ko ng dalawang tukmol sa kakakwento ko dito.

"Brady!" dinig kong sigaw ni Aldrey mula sa labas.

Grabe talaga. Nasa labas na ng supermarket, nagsisigawan pa din. May mga itlog pa naman dun sa plastik na dala ni Aldrey. Baka shells na lang ang natira sa mga 'yon dahil sa kakatakbo nila.

"BRADY!! SERYOSO NA KO!! NAGTEXT NA NGA SI LEX!!"

Ay, sumigaw na. Galit na yan pag ganyan. Takot pa naman sila kay kuya. Well, lahat naman kami. Strikto kasi yun. Mabait sya at palabiro pero sinusungitan nya kami sa mga panahong dapat talagang naka-focus kami. Astig nga nun. Effective ang leadership. Malamang! Para san pa't naging leader sya diba?

Bits of BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon