CHAPTER 17

11K 215 6
                                    



THIRD PERSON POV






Sa loob ng isang lingo ay walang imikan sina Prinsipe Marcus at Catalina. Iniwasan na din ni Prinsipe Marcus ang mapalapit pa ulit kay Catalina. Ayaw na kasi nitong mangyari ulit ang hindi dapat nangyari noon.

Pero sa loob-loob ni Catalina, hindi niya maiwasan na hindi malungkot sa gawi nang pakikitungo nito sa kanya. Hindi na din naulit ang pag-inom ni Prinsipe Marcus sa dugo ni Catalina. Para bang pinandidirian ni Prinsipe Marcus si Catalina kung iwasan.

Kapag kasi sa umaga, nag-iiwan na lamang ng note si Prinsipe Marcus sa mga kailangang gawin ni Catalina. At kapag, nadadatnan ni Marcus na nasa kwarto pa nito si Catalina tuwing uuwi na siya ay isang salita lang ang palaging sinasabi nito at ito ang palaging nagpapawasak sa puso ni Catalina.

“Leave.”—isang salita lang pero sapat na para masaktan si Catalina.

Sa loob kasi nang isang lingo ay napagtanto ni Catalina na may espesyal na siyang nararamdaman para sa Prinsipe. Kung paano nangyari yun, yan ang hindi kayang sagutin ni Catalina. Nagigising nalang kasi ito tuwing umaga na hinahanap na ang mga halik ni Prinsipe Marcus.

Pero kadalasan, nauuwi lang sa luha ang lahat ng mga gusto sanang mangyari ni Catalina. Ayaw niyang umasa pero hindi niya maiwasan na sana..sana..

At talagang sinasadya niyang hintayin ito sa pag-uwi kung asan man siya nagpupunta para masilayan man lang ang mukha nito na palaging dumadalaw sa kanya sa panaginip. Pero dahil sa isang salita na iyon, parating nanlulumong umaalis si Catalina.

“Catalina”—ang tawag ni Reyna Estella kay Catalina nung papasok na sana ito sa Slave’s Quarter. Hindi naitago ni Catalina ang namamasang mga mata nito sa Reyna. Galing na naman kasi ito sa pag-iyak dahilsa pagbabaliwala sa kanya ni Prinsipe Marcus.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon