Chapter 1: The 2 Evil Step Sisters (05/17/2015)

3.3K 97 4
                                    

Chapter 1: The 2 Evil Step Sisters

Written by CDLiNKPh

HACIENDA YBANEZ.

Nakasalubong niya sa pagdating niya ang mga ate niyang sina Bettina at Margaret. Paakyat na sana siya sa hagdan nang harangin siya ng dalawa. Hindi niya kasundo ang dalawa noon pa man. Hindi niya alam kung bakit pero alam niya na mabigat ang loob ng dalawa sa kanya. Marahil dahil na rin sa siya ang paborito ng daddy nila.

"Saan ka na naman nanggaling? Nakipaglandian ka na naman do'n sa lalaking nagtitinda ng isda sa palengke no? Hmp! No wonder, malansa ka!" Nakataas ang kilay na sabi ni Bettina.

"Ate, nakapagtataka pa ba naman iyon? E, malandi ang nanay niyan kaya natural malandi rin siya! Nakakatawa lang kasi, ni hindi na namili ng lalaki! Do'n pa sa hampaslupa pumapatol! Pero sabagay, bagay nga naman pala kayo kasi isa ka ring basura!" pang-iinsulto naman ni Margaret sa kanya.

Hindi na siya kumibo. Lalagpasan na lang sana niya ang mga ito nang bigla siyang sinabunutan ni Bettina.

"Huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" galit na sabi nito.

"Aray, ate, ang sakit! Nasasaktan ako!" reklamo niya.

"Dapat lang yan sa 'yo dahil malandi ka!" sabi naman ni Margaret na tumulong din sa pagsabunot sa kanya.

Hindi naman siya makapalag dahil ayaw niyang saktan ang mga kapatid.

Iyon na ang eksenang naabutan ni Don Manuel. Galit na galit ito na inihiwalay siya sa dalawa.

"What are you doing to your sister?! Bakit ninyo sinasaktan si Nikki!?" Galit na naitulak ng don ang dalawa palayo sa kanya.

Siya naman ay nagtago na lang sa likod nito.

"Kasi ang bastos niyang makipag-usap sa amin, daddy! Sabi ko naman sa inyo, e! Dapat noon pa lang ay pinalayas n'yo na rito ang babaeng iyan!" galit na sabi ni Bettina.

"And why should I do that? She's your sister! Your younger sister! Dapat nga ay wala kayong ginagawa kundi ang protektahan siya, e! But look what youve done, sinaktan pa ninyo siya! Hindi ko mapapalagpas ang ginawa ninyong ito! Simula ngayon, grounded kayo for two weeks at bababaan ko pa ang allowance ninyo bilang parusa!" Ma-awtoridad na sabi ng don.

Shocked naman ang dalawa.

"I can't believe that youre doing this to us, daddy! Simula pa noon, palagi n'yo na lang kinakampihan ang babaeng 'yan! Samantalang kung tutuusin ay hindi n'yo naman siya totoong--" Hindi na naituloy ni Bettina ang sasabihin sana nito dahil sinampal na ito ng don.

Nagulat sila sa nagawa nito. Umiiyak na nag-angat ng ulo ang nasaktang si Bettina saka ito nagtatatakbo palayo. Hinabol naman ito ni Margaret.

"Are you alright, Nikki? Sabihin mo lang sa akin kapag inapi ka pa ulit ng mga kapatid mo. Kapag inulit pa nila 'yan, mas malala pa sa ginawa ko kanina ang ipapatikim ko sa kanila," concern at malumanay na sabi ng don.

"Okey na po ako, daddy, pero sana ay hindi n'yo na lang po sinaktan si Ate Bettina. Kawawa naman siya," mabait pa rin na pagtatanggol niya sa kapatid.

"You are really kind, hija. Kahit na ganyan na ang ginawa nila sa iyo e, pinagtatanggol mo pa rin sila. But I cant tolerate their wrong deeds anymore, sumosobra na sila. I cant let them hurt you again and this is my only way to make them regret what they did. Mabuti pa siguro kung magpahinga ka na sa kwarto mo."

Iyon lamang at inihatid pa siya ng daddy niya sa kwarto niya.

Nahiga na siya sa kama at nag-isip nang makaalis na ito. Siguradong mas lalo pang madadagdagan ang galit para sa kanya ng mga ate niya sa parusang ibibigay ng daddy nila sa mga ito.

Sa totoo lang ay nasasaktan siya. Mahal niya ang mga ito at ayaw niyang magalit sila sa kanya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit noon pa ay para bang mainit na ang dugo ng dalawa sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama. Para bang hindi siya kapatid kung ituring ng mga ito.

Single parent si Don Manuel kaya hindi kataka-taka na mag-agawan sila sa atensyon nito. Simula pa noon ay siya na ang palaging napapansin ng daddy nila. Dahil doon ay hindi siya napalapit sa mga ate niya kahit na dalawa at apat na taon lang ang agwat ng mga edad niya sa mga ito.

Napatigil ang pag-iisip niya nang maya-maya ay nagulat siya nang marinig na kumakatok ulit ang daddy niya.

"Anak, ngayon na nga pala dumating mula sa America si Saion. Biglaan ang pagbabalik niya kaya gusto ka na kaagad niyang makita. Kakatawag lang nila at gusto nilang pumunta tayo ngayon sa hacienda nila."

Bigla siyang natuliro nang marinig ang pangalan ng lalaki. Nagpanggap siya na masama ang pakiramdam.

"Masakit po ang ulo ko, daddy. Pasensya na po kayo pero hindi ko na po kayo masasamahan. Sina Ate Bettina at Ate Margaret na lang po ang isama n'yo."

Umarte pa siya na umuubo para isipin nito na masama nga ang pakiramdam niya. Nagtulakbong pa siya ng kumot.

Hindi na ito nagpumilit pa nang mapaniwala niya ito sa kadramahan niya at pinagbilinan na lang siya nitong uminom ng gamot. Umalis na lang ito ng mag-isa.

Hindi niya gustong makita si Saion. Natatakot siya rito dahil spoiled brat ito at mainitin ang ulo. Kababata niya ito pero kahit kailan ay hindi siya napalapit dito.

Lahat kasi ng gusto nito ay gusto nitong palaging nakukuha at para bang pakiramdam nito ay batas ang bawat salita nito. Wala kasing tao ang tumatanggi sa bawat gusto nito. Naaalala pa niya noong mga bata pa sila ay tinangka siya nitong halikan at nang tanggihan niya ito ay pinatay nito ang asong inaalagaan niya noon.

Lahat din ng mga nagiging kaibigan niya noon ay inaapi nito kaya naman wala nang gustong makipaglapit sa kanya dahil sa takot na baka mapag-initan nito. Gusto nito na palaging sila lang ang magkasama at hindi siya mapalapit sa ibang tao. Simula noon ay nagkaroon na siya ng takot dito.

Kaya naman laking tuwa niya nang maka-graduate ito noon ng high school at napagpasyahan nito na sa states na mag-college. Pakiramdam niya noon ay parang nakawala siya sa hawla dahil sakal na sakal talaga siya rito.

Pero ngayon ay bumalik na ito na malaki na ang narating sa buhay. Sana naman ay nagbago na ito at may girlfriend na ito nang sa gano'n ay hindi na siya nito guluhin pa.

Inisip na lang niya si Christian at automatic na nawala na ang pag-aalala niya.

Iba talaga ito sa lahat. Maisip lang niya ito ay napapagaan na nito ang loob niya kahit wala itong kamalay-malay. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng ganoon para sa isang tao.

Napangiti siya nang magbalik sa ala-ala niya iyong sinabi nito kanina na may gusto ito sa kanya. Ang saya-saya talaga niya dahil buong akala niya ay tinging magkapatid lang ang mayroon ito para sa kanya dahil kadalasan ay tina-trato siya nitong parang isang bata.

Matagal na niya itong crush pero tinatago lang niya dahil nahihiya siya. Kaya naman pakiramdam niya ngayon ay natupad ang pangarap niya dahil sa sinabi nito kanina. Talagang official girlfriend na siya nito. Kung pwede nga lang sana na hindi na ito umalis. Pero kailangan niyang suportahan ang desisyon nito dahil mahal na mahal niya ito...

The Necklace (SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now