Bestfriends -- Maxine&Spencer

6.2K 101 17
                                    

***

ONESHOT # 1

Bestfriends  Maxine and Spencer

***

“Aaaaah! Gusto ko nang magkasyota!” narinig kong sigaw ni Spencer habang nag-uunat. Katatapos lang ng klase namin at nag-aayos na kami ng gamit para makauwi.

“S-syota? Bakit naman?” tanong ko sa kanya. Napatingin pa ako sa kanya habang inaayos ang salamin ko sa mata.

“Para may mag-aasikaso na sa akin. Wala kasing nag-aalaga sa akin eh. I need someone who’s willing to take care of me. Someone who will be there for me. Someone who will truly love me.”

Napayuko naman ako sa sinabi niya.

“Oh? Ba’t ang haba ng nguso mo diyan?” lumapit siya sa akin. Nangalumbaba siya sa desk ko habang nakatingin sa akin.

“Wala.” Yun lang ang sagot ko.

“Wala daw! Sabihin mo nagseselos ka lang. Naghahanap na kasi ako ng iba. Nakakasawa ka na kasi eh.”

“Anong sabi mo?!”

“Haha! Siyempre joke lang yan. Ano ka ba. Ikaw pa pagsasawaan ko? Eh bestfriend kaya kita.”

“Bestfriend mo muka mo! Sige na! Lumayas ka na. Hanapin mo na ang future girlfriend mo. Hanapin mo na yung babaeng mag-aalaga sa’yo!” ipinasok ko lahat ng gamit ko sa bag ko tas tumayo na ko.

“Oy Max! San ka pupunta?” hinabol ako ni Spencer.

“Sa lugar na malayo sa’yo!”

Binilisan ko pang lalo ang lakad ko at nang makarating ako ng gate ay dali dali na akong pumara ng tricycle at sumakay. Si Spencer? Ayun, hinahabol yung tricycle habang sinisigaw ang pangalan ko.

“Miss, hindi ho ba tayo hihinto? Hinahabol ho kayo ng boyfriend niyo.” Tanong sa akin nung driver.

“Hindi po manong. Hayaan niyo ho yan. Saka hindi ko ho yan boyfriend.”

Nung tumingin ulit ako sa likod ng tricycle, nakita ko si Spencer na hingal na hingal at napaupo nalang sa daan. Binelatan ko nalang siya.

Bwisit talaga yung lalaking yun. Ang kapal ng muka niya.

By the way, ako nga pala si Maxine Santiago. At yung lalaki kanina, siya si Spencer Dionisio, ang dakila kong bestfriend.

At ang nag-iisang lalaking mahal ko.

Siyempre, ano pa bang bago dun? Mahal ko ang bestfriend ko. What’s new? Eh ganun naman palagi di ba? Pero, sa kasamaang palad, minalas ako dahil ang lalaking mahal ko, hindi naman ako mahal. One sided love ika nga. Ayun nga siya oh, naghahanap na ng iba. Ayaw na niya sa akin. Natural lang naman na magsawa siya sa akin. Eh kung buong buhay ba naman namin kami na ang magkasama eh. Fetus pa lang ata ako ay meant to be na kaming maging mag bestfriends. At hanggang mamatay ata eh magbestfriends pa rin kami. Hindi na siguro mababago yun.

Nung makarating ako ng bahay ay dumiretso agad ako ng kwarto ko. Wala ang parents ko. Nasa trabaho pa siguro. Ganun naman palagi yung mga yun eh. Wala nang time para sa akin.

 Nagpahinga lang ako saglit. Tapos naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

“Aaaaah! Gusto ko nang magkasyota!”

PollyNomial's OneShot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon