CHAPTER ONE: Hidden Start

99 5 3
                                    

" ouch,uhhh, uhhhh...dahan dahan naman..aray"

"sandali..wag ka malikot..mabilis lang toh"

"ouch,ansakit na eh..tama na"

"eto na..ayan ok na"

andito kami ngayon ng bestfriend kong si yeng sa aming sala... ginagamot niya ngayon ang sugat ko na nakuha noong nakisama ako sa riot kanina dun sa club na medyo malapit lang dito

si yeng ang naging kaibigan ko simula nang iwan NIYA ako, nagkakilala kami sa isang park. habang umiiyak ako, nilapitan niya ako at kinomfort kahit di ko siya kilala. simula noon madalas na kami nagkita. lalo pa at parehas pala kami ng school na pinapasukan. 

" margo zia lim!"-yeng sigaw niya sakin pagkagaling niya sa kusina para kumuha ng yelo

"kelangan complete name talaga?"-ako

"wala kang pake, wag mo na subukan ibahin pa ang usapan dahil hindi ka na makakaligtas sa sermon ko ngayon!"-yeng

sabi ko na nga ba, lagi naman siya ganyan. tagasermon ko tuwing gagawa ako ng mali. daig pa nga niya ang nakalunok ng megaphone kapag pinagsasabihan ako eh. pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa rin yan..kahit kelan kasi hindi niya ako iniwan..

"kelan ka ba matuto na umiwas sa gulo, tingan mo oh, may pasa ka na naman"siya

"eh sa masaya makipag suntukan eh, haha feeling ko tuloy nagiging si lily ako or whatsoever na cast sa isang game"-ako

" ayan ka na naman, pede ba, alam kong hindi yun ang dahilan" yeng na medyo kalmado na..kanina kasi para na siyang mangangain ng buhay"

tinitigan niya ako sa mata

" dahil na naman ba sa kanya?"-yeng

" siya?! ohmagad! hindi noh" sabi ko sabay irap

" bakit ko naman sasaktan ang sarili ko ng dahil lang sa kanya?hindi ako baliw nuh" dagdag ko pa sabay kuha sa kanya ng icepack na kanina pa niya hawak, at dumeretso na sa kwarto

susunod pa sana siya pero

zia!! buksan mo nga toh, hidni pa tayo tapos!"-siya habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.. geez. masyado na akong pagod ngayon, bukas ko na lang haharapin ang sermon niya

"tapos na maam! bukas na lang!.kita na lang tayo sa school! good nyt!" sigaw ko sa kanya mula sa loob ng kwarto

hay, isang nakakapagod na araw..

*kinabukasan

"hoooh!!!!!!" sabi ko sabay inat ng dalawa kong kamay

nasa may hallway na ako ngayon papunta sa rum namin

" nakakatamad naman" sabi ko sabay upo na sa upuan ko.

dun ako nakaupo sa may bandang likod ng rum namin.. alam niyo naman.. Front Seat Phobia..hahaha.

"hoy bruha! mabuti naman at dumating ka na!"  sabi ni yeng sabay hampas sakin ng libro na dala dala niya

nakalimutan ko, ma\y unfinished bussiness pa nga pala kami

" ha? ano yun? wala ah.. panaginip mo lang yun bes! buti pa tulog na lang ulit tayo" sabi ko sabay tungo sa upuan ko na akma nang matutulog

"ui,makinig ka nga" sabay poke niya sa braso ko

"uy" ngayon naman niyugyog na niya ako

ako naman hindi ko na lang siya pinapansin, inaantok pa ako eh

"OYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!"

" ay kalabaw" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw at yinugyog pati na rin ang upuan ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN SHE REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon