m s . n u t e l l a g i r l

124K 1.3K 662
                                    

All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note: Any resemblance of person, place or events are purely coincidental.

Copyright © 2013 by ayseyya

~

Annyeong~

First time kong gumawa ng one-shot. Napagtripan ko lang to. Nabored sa school eh. HAHA XD

DEDICATED NGA PALA TO KILA : JYN GABRIELLE ADRADOS, ELLA MARGARET PACAY, JENNY REYES, MICAH ELLA GONZALES, IRAH CRUZ, MEAGANN NOJADERA, LYKA MALLETA AT RHAYLLE ANDREA AFABLE!! 

Enjoy reading.  (*⌒∇⌒*)

~

Ms.Nutella Girl (One Shot Story) by (ayseyya)

Ako si Matthew Montemayor. 17 years old. 1st year college student. Nagaaral sa magandang paaralan ng Wattpad City.

At ngayon ay naglalakad ako papunta sa supermarket ng mall. Nagpapabili kasi si Mama ng Nutella. Papalaman nya daw sa tinapay. Ubos na kasi yung binili nyang nutella nung isang araw. Yep. You read it right. Nung isang araw. Paborito nya kasi yun eh. Halos sya nga lang nakakaubos nun sa'min eh.

Nagpunta ako sa supermarket at nanguha ng basket. Kumuha muna ako ng slice na tinapay. Yung pa-square. Samahan ko na rin daw nun eh. Kumuha ako ng tatlong balot tapos pumunta na ng bilihan ng mga palaman. Hinanap ng mata ko kung saang istante nakalagay yung nutella at ayun! Nahanap ko na. Kasi iisa na lang. Tatlo pa naman yung pinabibili ni Mama. Pero pwede na yan kahit isa. Atleast meron kesa sa wala.

Papunta na sana ako dun kaso nag-beep yung cellphone ko. May nagtext. Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at tinignan yung nagtext. Tsss. Si Mama lang pala.



[baby yung nutella ko ha wag mong kalimutan]



Binabasa ko yun habang naglalakad ako papunta sa istante kung nasaan yung nutella. Hinawakan ko na yung takip kaso parang may katabi yung kamay ko sa paghawak. Tinignan ko yun at aba may kamay rin. Tumingin ako sa kaharap ko at nakita kong may isang babaeng nakahawak din don sa nutella na hawak ko.

dug dug dug dug

Ano ba yan? Bakit biglang tumibok tong pesteng puso ko?

Arrgghhh. EWAN.

"Ma'ma Ako po yung naunang humawak sa nutella." sabi nung babae habang nakatingin sakin. Aba. Tinawag nya kong Ma'ma. Mukha na ba kong ma'ma? Sa gwapo kong to. *wink*

Maputi yung babae. Maamo ang mukha. Maganda... at.. at.... at... sexyy..... te-teka... ano ka ba Matthew? Kung ano anong pinagsasabi mo. Eh di mo naman kilala yan.

"ahm. sorry miss pero ako yung nauna eh." sabi ko. Syempre di ko hahayaang makuha yun. Ungentleman na kung ungentleman. Patay ako kay mama. Batok ang abot ko pag hindi ako nakabili ng nutella. haha... Grabe eh noh? Di lang nakabili ng nutella babatukan agad. XDD

"pero ako talaga yung nauna" sabi nya

"ako yung nauna. kahit tignan mo pa sa may cctv." sabi ko naman.

"pero ako nga po ma'ma yung nauna." pilit nya sakin

"ako nga"

"ako"

"ako"

"ako"

"ako"

"ako"

Ms.Nutella GirlWhere stories live. Discover now