Part 5

28 4 1
                                    

Xeng's energy was renewed the next day pagkatapos makipag-usap sa mga taga-Cake Bites. 'Di niya alam kung ano ang nag-fuel nito: determination ba o paghihiganti?

Si Xeng kasi ang tipo ng tao na madalas ay walang energy sa napakaraming bagay o interes until challenged. Kapag sinabi ng iba na 'di bagay sa kanya ang bangs, kahit na wala siyang ganang maligo, she'd go out of her way to travel to the salon that offers the best bangs ever.

What did it have to do with dating? 

Honestly, confused si Xeng kung motivated ba siya kasi gusto niyang makahanap ng jowa o gusto niya lang patunayan sa failed talking-stages niya na kaya niyang kumuha ng kapalit.

Deep inside she knew they didn't care. Kasi sa totoo lang, sila rin naman eh. Kayang-kaya naman nilang humanap ng kapalit. That's how dating works nowadays. Parang America's Next Top Model. One day you're in, the next day you're out.

Iyak malala.

Yes, Xeng is a bit special. She's pretty, smart, and well-rounded, pero hindi naman ibig sabihin noon ay 'di siya mahihigitan ng taong swak para sa exes niya.

Counted ba as ex kung 'di naman naging sila?

Ex-flings?

Ex-harot?

Ex-date?

Exasperating?

Extra Bad Memory?

God, it sucked to be single.

Simple lang naman talaga gusto ni Xeng, kaso bakit ba parang ang hirap? Sadyang masyado lang ba siyang kumplikado? Hindi ba kasi siya pwedeng mag-settle na lang?

Pick a guy and then tolerate all his bullshits?

Para kasing ang miserable, and that was what scared Xeng the most. Imagine taking care of yourself and improving yourself only for you to end up settling just for the sake of picking a person to be with.

Ang sad. 'Di bagay sa bouncy purple bob ni Xeng.

Ngayon alam niya na ang nawawala sa diskarte niya para magkajowa—she needed a strategy.

At ang Oplan Maghanap ng Jowa ni Xeng ay ganito:

1. Linawin sa sarili na jowa ang gusto. Boyfriend. 'Yong monogamous na pwedeng ipakilala sa friends, magulang, at sa world wide web.

2. Ihanda ang sarili sa pros and cons ng pagkakaroon ng boyfriend. May kukuha ng malaking chunk ng oras niya at emosyon. Pero may magpapakilig naman sa kanya.

3. Isiping mabuti kung ano nga ba talaga ang gusto niya sa lalaki: mabait, matalino, witty, funny, humble, mabango, cute, may mabait na pamilya at friends, successful sa sariling career, may sariling buhay, sweet, charming, at good conversationalist. Higit sa lahat dapat pinapansin niya si Xeng. MADALAS.

4. Tanggapin ang katotohanan na medyo mahaba yung #3 niya.

5. Lumandi without pressure.

Sa limang bagay na nakalistang iyon, alam ni Xeng na #5 ang pinakaimportante. In the past, she had been held back so much by pressure; Na dapat kapag may nagustuhan siya at gusto rin siya nito hindi sila pwedeng magkaroon ng shortcomings. 

Back then, iniisip niya na dapat talagang bonggang effort para deserve siya. Totoo naman, pero pwede naman siguro ang flaw 'di ba?

Everything can't be picture-perfect, and she should know when to stop whining about it.

Medyo reklamador din kasi si Xeng. Growing up, she always held back on being upfront about how she felt. Kaya ngayon na matanda na siya, she complained, and boy did she complain a lot.

Tara, KapeWhere stories live. Discover now