Chapter 3

582 11 0
                                    

Klyde's Point of View

NAGISING AKO dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko, dahan dahan akong bumangon atsaka ko isinindi ang ilaw. In my surprise, it's not working. At sobrang init sa loob ng kwarto ko, and it looks like walang kuryente.


Kinuha ko ang phone ko atsaka ko ini-on ang flashlight, kinusot ko ang mata ko atsaka ako lumabas. "AHHHHHHHHHHHH!"


Nagulat ako ng may marinig akong babaeng humiyaw, "Avani?" sa she looked at me, shocked. "Klyde?! Oh em gi! Ikaw nga!" she immediately looked lively, "What happened?" tanong ko, medyo nag aalala. "Natatakot ako eh," aniya.




"Ha? Bakit?" tanong ko, "Walang kuryente, tapos mukhang walang staff sa baba?" sagot niya, "Bakit mawawalan? May guards dun, siguro chineck lang yung generator. Pasok ka na sa loob," sambit ko, umiling siya. "Natatakot ako, Klyde. Natatakot talaga ako," aniya.



"Halika, sasamahan kita. . ."



MAHIGIT alas tres na ng umaga ng bumalik ang kuryente, Avani was sleeping peacefully on my lap. Inayos ko lang siya kanina, mananakit kasi ang likuran niya kapag paupo siyang natulog.




Dahan dahan ko siyang binuhat at idiniretso sa kwarto niya. Dahan dahan ko siyang inilapag sa kama at kinumutan, ini-on ko ang aircon gayun rin ang electricfan at ang lamp shade para hindi masyadong madilim.





"Klyde . . ." she mumbled, i looked at her and smiled. "Aalis na ako, Avani . . ." inalis ko ang nakasabog niyang buhok sa mukha niya, nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at bahagyang dumilat. "Stay . . . with me?" natahimik ako dahil doon, ". . . Please, Klyde?" i sighed and nooded at her.




"Move then, tabi tayo . . ."





NAGISING ako bandang alas diyes na ng umaga, Avani is still sleeping while hugging me so i didn't move for a while. Her hug feels so warm and gentle. If only i could produce kids, i'd literally start dating her.





Sadly, i can't.




I can't deny that i'm secretly crushing on her. She's so beautiful, amazing and a type of person that everybody would look up to.




Para siyang nag iisang ilaw sa lugar na madilim. Na kahit puro dilim na ang nakikita mo, nandoon siya para bigyang liwanag ang buhay mo.




"Only if i could," bulong ko, "Only if you could? What?" napakurap kurap ako, "Gising ka na?" tiningala niya ako, atsaka siya tumango. Ibinaba niya rin kaagad ang tingin niya atsaka hinigpitan ang yakap sa akin.




"May sasabihin ako sayo," ani niya. Biglaang kumabog ang dibdib ko, "Ano yun?" kinakabahan na tanong ko. "Pero, ayaw kong may mababago if i told you this," seryosong ani niya, "I promise, walang mag babago . . ." sambit ko.



Just say it already . . .


Please . . .


"Gusto kita. Gusto kita, Mr. Moretti. Ayos lang ba iyon?"





"PAGOD na pagod ang binatilyo, ano bang nangyayari sa La Union at nagkakaganyan ka?"



Nilingon ko si Sebastian, "Nothing," seryosong sagot ko atsaka ko ipinagpatuloy ang pag babasa ko sa laptop ko. "Nasaan si Agustuss?" tanong ni Khalil, "Bebe time yata," biro ko, "Anong bebe time ka diyan?" natawa ako ng mag salita si Khalil na kalalabas lang galing baniyo.





"Ganyan talaga siguro kapag walang bebe, Gov!" hirit ni Abacceus na ikinanguso ko, "Sino naman ang nag sabi sa inyo na wala akong ka bebe time?" pinagtaasan ko sila ng kilay na ikinatawa nila.




And speaking of bebe time . . .




From: Avani Babe

imma go surfing na, nag lunch ka na ba?



Wala sa sariling napangiti ako at nag isip kaagad ng irereply.


To: Avani Babe

take care babe, don't forget to put sunscreen po and ingat ingat sa malalaking waves. and nope, hindi pa po ako mag lu-lunch :(



"Aba't— may bebe time nga!" ani ni Sebastian na mukhamg namangha, "Anong akala niyo, kayo lang? Psh! Sa gwapo kong 'to?" inirapan ako ng iba samantalang tinawanan ako ni Abacceus. "Siguro ginamit mo yung video nung babae sa YouTube 'no? Yung paano mabaliw sa akin ang crush ko?"




Binalibag ko ng ballpen si Khalil pero hindi siya natamaan, napuno naman ng halakhakan ang buong kwarto.





Avani Babe Calling...


"Hello po?" i answered, politely. "Bakit hindi ka pa nag lu-lunch?" tanong niya kaagad, she seems worried! Hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki, "Eh, i want something that i can't figure out pa, babe . . ." ani ko, para akong nag be-baby talk pero, who cares diba?



"Baby talk si gago . . ." sinamaan ko ng tingin si Sebastian.




"Mag order ako nng food for you then, diyan sa Spades ang location mo right now, right?" napanguso ako, "Yes po," sagot ko, ". . . Parang want ko na ng something with rice tapos uhm, soup?" dagdag ko pa, "Okay, sige. Mag oorder ako, sayo ko na ipapangalan hintayin mo na lang," i smiled again.




"Mag surf ka na po?" tanong ko, "Hmm, tinawagan kang kita sandali kasi naman mahigit alas dos na wala ka pang kinakain. Ang onti rin ng breakfast mo kaninang umaga eh," sagot niya, "Thank you, babe. . . For worrying and sending some food," sambit ko gamit ang malambing na boses.




"You're welcome, babe. Anytime, sige na. Text me when you're on your way back," i smiled again, pakiramdam ko mapupunit na ang gilid ng labi ko. "Yes po, take care. Mwah!"




"'Nak ng! May pa 'mwah' pa?" ani ni Agustuss na tawa ng tawa kasama ng iba, "Yabang neto, bakit hindi ka ba ganon sa jowa mo?" tanong ko atsaka ko siya tinaasan ng kilay, "Hin—" hindi na siya natapos ng biglang may kumatok sa pintuan kaya agad akong lumabas at binuksan iyon.





"Argus?" takang tanong ko, he stared at me deeply. "Pre, pasok ka . . . Bakit ka napadpad dito?" tanong ko, "Because Avani told me  so, ang batang iyon . . . inutusan niya akong dalhan ka ng pagkain," hindi siya makapaniwala sa huli niyang sinabi.







"Gago . . . does that mean yung twin sister ni Argus yung girl mo, Klyde?" tanong ni Abacceus, tumango ako. "Saan kayo nagkakilala? As far as i know, Avani isn't really that friendly you know . . ." tanong ni Khalil, "Wala ka na don," sagot ko.







Baka makatay ako ni Argus kapag nalaman niya kung paano kami nagkakilala ni Avani. Diyos ko, huwag naman sana.






"I need to talk to you, Klyde . . . Just the two of us, tayong dalawa lang," ani ni Argus.







Diyos ko, Avani baby. Mag kikita pa kaya tayo ulit?







S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Klyde Moretti Where stories live. Discover now