Chapter 19

1.4K 23 3
                                    

UPDATE :) HAHAHA COMMENT PA RIN KAYO PLEASE? :)))) VOTE DIN! SALAMAT PO!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ann's POV

Hindi ako diniretso ni Kenneth sa bahay. Sa halip, sa isang building. At alam ko to, condo to ni Vincent eh.

"Oy ano ginagawa natin dito?"

"Basta! Dyan ka lang ah. Wag ka muna bababa!"

Kahit gulong gulo, sinunod ko sya. Bumaba sya ng kotse pero di ako sumunod. Mula sa bintana, nakita ko may kausap sya sa phone. Mukhang seryoso. Psh. Anong nangyayari? ;/

Kenneth's POV

Nandito na kami sa parking ng condo ni Vincent. Hay, ito na. Dito na matatapos ang lahat! Oo! Masakit to. Pero kailangan tanggapin. Whooo!

Tinawagan ko na si Vincent.

"Hello brad? Nandito na kami! Ano na?"

"Oh nasan kayo? Ah ano wait lang!"

"Ha? Anong wait? Nandito na nga kami sa parking."

"Ah Eh kasi tol kinakabahan ako eh!"

"Ha? Kinakabahan? Patay tayo sayo tol! Nagawa mo na nga ipagsigawang sa television yung pagmamahal mo kay Ann eh. Ano pa pinoproblema mo dyan?"

"Eh kasi tol. Iba yun! Mas madali.pa nga yun eh! Eh kasi to live na talaga eh. Face to face! Whoo!"

"Kaya mo yan. Papasok na kami ah. Papanikin ko na to!"

"Ha? Oh sige na nga tol! Papanik na rin ako. Ingatan mo yan ah. Sige bye! Hintayin ko na kayo!"

*Toooot.Toooot.Tooot*

Ang hirap naman nito :( Parang may pumipigil sa paa ko na huwag humakbang papalapit kay Ann. Yung parang hindi ko sya kayang ayain papanik. Haaaay.

Hindi rin nagtaggal lumapit na ko kay Ann.

"Ann, tara na? :)"

"Ha? Saan? Nakakatakot naman yang ngiti mo!"

"Oy grabe ka. Wala naman ako gagawin masama sayo. Grabe!"

"Hehe joke lang! Tara na!"

Bumaba na sya ng kotse at nagsimula na kami pumasok sa loob. Pumasok kami ng elevator. Pinidot ko yung sa rooftop.

"Ha? Rooftop? Ano gagawin natin dun?"

"Basta!"

Dami pa sya tinanung pero di ko inintindi. Nagpipigil din kasi ako ng luha.

*Ting*

"Nandito na tayo. Sige na lumabas ka na!"

"Ha? Di ka sasama?"

"Hindi na! Sige na, labas na"  tinulak ko sya palabas ng elevator sabay sara ng pinto.

Hindi na ko sumama. Ayoko kasing makita nila yung lungkot ko. Gusto ko isipin nila na masaya ako para sa kanila. Masaya ako para sakanila :(

Ann's POV

"Hoy Kenneth! Saglit!!!"

Yung feeling na iniwan ako ni Kenneth magisa dito. Yung totoo? Tsk. Badtrip naman oh. Anong trip nun?

Super FAN Girl Turns To HIS Super Girl :)(KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon